CHAPTER 13- MALUNGKOT NA PAGLALAYO.
Sa mga nagdaan pang araw ay lalong pinalakas ni Wana ang pagbabantay sa kaparangan. Ibig niyang matiyak ang pangangalaga sa Nayong Dalisdis na kung saan ay doon nagpapahinga ang itinuturing nilang bayani.
“Ilang araw pa, malakas na si Leo.” sabi pa ni Wana habang kausap ang mga tauhang babae. Para niyang nakikita ang gagawing pananalasa ni Leo sa labanan. Mabangis at aangkining lahat ang paghihiganti lalo na kay Garuda.
Nakita ng mga tauhan ang kalungkutan ni Wana. Alam din nila ang maaaring maganap. Bandang huli. Para bang sila ay maghahalukipkip na lamang ng kamay at hindi na makakapaghiganti.
“Bakit hihintayin pa nating maunahan tayo ni Leo.” susog ng isang tauhang babae. Anyong matapang at nangangalit ang mga mata.
Tinanggap ang panukala. Uminit ang pagsang-ayon. Naghiyawan ang mga nakaharap at isang dugong lumukso sa paghihiganti. “Lusubin ang kuta.!“
“Huwag kayong mapusok.!“ pamayapa ni Wana at inapula ang apoy sa buhos ng tubig. “Hindi pa tayo nakakatiyak kung talagang kakaunti na lang ang ating kalaban.!“ ang sudlong sa nasang ‘di maulit ang pangyayaring marami sa kanila ang nalipol sa inaapakan nilang lupa. Ibang paraan ang kailangan. Pupunta sila kay Leo upang muling himukin sa isang pagpapaubaya.
Ang simoy ng hangin ay angkop sa nalalapit na dapit-hapon. Malamig ang dapyo at hindi mapasok ng araw ang malagong dahon ng punong kahoy na kung saan ay doon namamahinga sina Leo at Lumin. Nakita nila mula sa malayo ang papalapit na pangkat ng Anak-Parang.
“Baka kaya, muling titingnan ni Wana ang sugat mo.?“ ani Lumin at umangat ang likod sa sandalang kawayan.
“Kaninang umaga lang siya nanggaling dito. Magaling na ang sugat ko at tinanggal na nga niya ang tahi ng sinulid.” umiiling na sabi ni Leo. “May kutob akong iba na ang kanilang pakay pagkat ngayo’y marami na sila.
Pinaghintay ang hinala. Sabay pang tumindig sina Leo at Lumin nang abot-hininga na lang ang nangungunang si Wana.
Natigilan si Lumin nang makita ang kanyang kaibigan at ka-gurong si Binibining Dela Paz. “Bidang.!“ salubong niya.
“Lumin.!“ ganting bigkas ng bagong dating.
Ang alab ng salubungan ay naganap. Magkayakap na lumuha ang dalawang guro. Masiphayo ang pagkikita at dinarama ang bawat isa.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo. Kawawa ka naman.“ humihikbing sabi ni Lumin kasabay ang paghaplos sa mukha ni Bidang.
Lalo namang namalisbis sa pisngi ni Bidang ang bukal ng siphayo. Sawing palad ang turing at wala nang nalalabi sa kanya kundi ang hangaring bago man lang siya pumanaw, matiyak niyang hindi na mauulit ang kabuktutan ni Garuda.
Naunawaan ni Lumin ang isinasakit ng kalooban ni Bidang. Sila’y mga dalagang silangan na kasinghalaga ng buhay ang kapurihan.
Di kawasa’y umangat ang yakap ni Bidang kay Lumin. Nagsalita pagkat nasa katinuan ang kanyang pag-iisip. “Galing pa kami ni Inang sa malayo at kabilang himpilan ng Anak-Parang. Nakiusap lang akong lumipat dito upang makita kita. Nabalitaan ko ring naging bihag ka ni Garuda. Baka…” hindi niya naituloy ang masamang hinala.
“Naging bihag nga ako. Pero, pinalad akong makaiwas sa tulong ng tadhana. Isa na rito so Leo.“ sabi ni Lumin at saka lang niya napansin ang Inang ni Bidang. Niyakap din niya si Aling Sinang na hindi makapasalita sa nakitang karubdugan ng magkaibigan.
“Salamat naman at natulungan ka ni Leo. Siya nga ang sadya ni Wana. Halika’t pakinggan natin ang kanilang pag-uusap.” yaya ni Bidang kay Lumin kasunod si Aling Sinang.
Nang mga saglit namang iyon, nakatungo si Leo. Wari’y hindi niya masalubong ang nang-aarok na pananaw ni Wana. “Malaking pangkat ang kasama mo ngayon. Pawang mga babae at iisa ang tamlay ng inyong mga mata.” puna ni Leo
Ilang ulit na tumango si Wana. Pinarubdob ang pagtatapat na galing pa sa malayong baryo ang kanyang mga kasama. “Hindi nila ikinahihiyang aminin na iisa ang ang aming kapalaran sa kamay ng mga dayuhan.
Napaangat ang paningin ni Leo. Muling sinulyapan ang mga babaing nakaupo at nakapaligid sa nakahandusay na puno ng mangga. Walang namutawi sa kanyang bibig kundi ang bakas ng awa.
Bahagyang dumagison sa upuan si Wana, papalapit kay Leo at nagsalita. “Halos mapugto ang hininga ko nang kasalukuyan nilang niyuyurakan ang aking kapurihan.“ ang sabi pang kasabay ang pagpatak ng luha.
Tumahimik lang si Leo. Bibigyan daan ang pagsasalita ng babae. Ipinako sa lupa ang kanyang pananaw.
Itinuro ni Wana ang kanyang mga kasamahan. “Karamihan sa kanila’y halos mabaliw sa tinamong kalapastanganan. Pinipilit nilang tumindig sa nasang maipaghiganti ang puri ng silangan.! Kung hindi nagpatiwakal si Perenya, maaaring kasama rin namin sa layuning ito, at dapat ding kainggitan sa pagkakaiwas niya kay Garauda.
Sa bahging iyon, lalong napayuko si Leo. Ginunam ang mga pangyayari at tumibay ang hinalang binuo ng kanyang isip. Sa kanya maglalatay ang hagupit ng tadhana.
Inulit ni Wana ang kinasapitan ni Perenya. “Nasa kandungan na siya ng lupang payapa. Nananahimik, samantalang kami ay naghihintay pa sa lupang tatabon sa aming napariwarang karangalan. Buhay kami. Gumagalaw at naninindigan, ngunit patay na ring maituturing pagkat wala na ang yaman naming iniingatan. Napakasakit.!“ ang sabi pang lalong pumapait sa bawat patak ng luha sa kanyang kandungan.
“Bakit.?“ napilitang tanong ni Leo nang makitang tumatangis ang mga mata ni Wana.
Hindi nag-angat ng paningin ang tinanong. Nanatiling nakayuko kahit nang magsalitang madalang at mabagal. “Makirot ang aming sugat. Nasa amin ang pinsala. Kami ang nasaktan. Kami ang nagdurusa. Kami ang pinagsamantalahan at kaming mga babae ang may pautang. Bakit ngayon, iba ang maniningil.?“
Natinag si Leo. Wari’y natungkab ang pinto ng pagpapaubaya. Para siyang nayanig sa madamdaming binigkas ni Wana. Bawat pangungusap na marinig niya’y katumbas ng luhang lumalagaslas sa pisngi ng dalagang silangan.
Tumama ang pagtudla. Naglagos sa puso. Nagbago ang kulay ni Leo. Parang nawala ang dugo sa kanyang mukha. Siya naman ang napayuko at hindi matagalang tingnan ang luhaang mukha ni Wana. “Ano ang gusto mong gawin ko.?“ naitanong na lang niya.
Lumigoy pa ang sagot ni Wana. Gustong makatiyak. “Pinupuri ko ang ilang lalaking kabalikat namin. Mga Ginoo na may kimkim ding galit sa mga dayuhan, ngunit buong habag na nagpapaubaya sa aming mga babae. Ibinibigay ang karapatan at pagkakataon upang kami ang makapaghiganti. Ibig kong ipaunawa sa iyo ang isang pagpapakasakit. Ipaubaya mo na sa amin si Garuda.”
Napaangat ang pananaw ni Leo nang tumigil sa pagsasalita si Wana. Sinulyapan niya ngunit hindi matagalan. Nakakalunod ang nakita niyang bukal ng luha sa mga mata ni Wana. Nakakabikig sa paghinga at dapat lang iwasan. Kapagkuwa’y bumaling siya sa mga tauhan upang magbago ang kanyang pakiramdam. Subalit ibayong sakit ang kanyang nakita. Nagsisitangis din at sa kanya nakatingin.
Muling yumuko si Leo. Parang naririnig pa niya ang minsang ipinangako ni Wana. “Kahit ano’ng hilingin mo, sa abot ng aking makakaya, pagbibigyan kita.“ at iyon ang katagang tumimo sa kanyang isipan. Inangat ang kanyang pananaw at tumigin sa malayo. Matagal din bago siya nagsalita. “Tapos na ang layunin ko rito. Higit ngang masakit ang dinanas ninyo kaysa sa akin. Nararapat lang na kayo ang maningil kay Garuda.“
Parang butong lumagatok sa pandinig ng mga Anak-Parang ang binigkas ni Leo. Naalis ang sagka at dumaloy ang biglang sigabo ng kaligayahan. Naghiyawan sila kahit basa ng luha ang kanilang pisngi.
“Salamat, Leo. Maraming salamat.“ ani Wana at hinawakan pa sa kamay ang binata. Para bang ipinapagpag sa katuwaan.
“Mag-ingat lang kayo. Kung sakali, handa pa rin akong tumulong sa inyo, pagkat may mga tauhan pa si Garuda.“
“Muli akong nagpapasalamat, Leo. Kaunti na lang sila.!“ masigla pang wila ni Wana. Para bang kayang-kaya na nila ang kalaban.
Maging si Lumin ay masigla rin sa pag-asang malalayo rin sa panganib si Leo. Subalit ang totoo, kahit sa kanya, ganoon din ang mangyayari. Nakatakda na silang magkalayo.
Nang lumisan ang pangkat Anak-Parang, naiwang nakatulala si Leo. Sa malayo nakatanaw. Wala sa loob na katabi niya sa upuan si Lumin.
“Labis nilang ininda ang kahayupan ni Garuda. Kung sabagay, malalayo ka naman sa panganib.” pukaw ni Lumin habang tinatanaw ang mga nagsilisang babae.
“May katuwiran nga sila. Kalabisan na ako rito.” matamlay na sabi ni Leo at iniyupyop ang mukha sa dalawa niyang palad.
“Hindi, Leo.!“ ani Lumin. “May bantayog ka na sa aming dibdib. Habambuhay ka mang mamalagi rito, hindi magbabawas ang utang na loob ko sa iyo.“
Hindi kumibo ang binata. Nag-angat ng paningin at muling ipinako sa kawalan. Ang iniisip niya’y tila isang ilog na mahirap arukin.
Napatungo si Lumin. Hinintay na magsalita si Leo, ngunit walang namutawi kahit sa ihip lang ng hangin. Bigo siyang tumindig at lumayo upang bigyan daan ang katahimikan ng binata. Nagtungo siya sa tatlong matanda na kasalukuyang nakaupo sa tagiliran ng bahay.
Patuloy ang panunulala ni Leo. Masalimuot ang kanyang isip. Wari’y nakikita niya ang pagtakbo ni Pereny ahabang hinahabol ni Garuda. Yugtu-yugto ang lahat, maging ang pagtalon sa talampas at ang pangako niya sa puntod ni Perenya. Kailan man, hindi siya iibig sa iba.
Sa tagpong iyon, tila naalimpungatan si Leo. Nagbago ang kanyang pananaw. Naisip niyang masisira ang kanyang pangako kung hindi siya lalayo kay Lumin. Agad siyang nagpasiya. Marahang tumindig at matamlay na lumapit sa mag-anak na nasa tabing hagdanan. Naupo siya sa bingit ng isang lusong at parang bantulot ang pakikiharap. “Hindi ko ho maisip kung paano ko sisimulan ang pagsasabi sa inyo“ aniyang nahihirapan.
“Bakit, Leo.? Ano ‘yon.?“ tanong ng matandang lalake, katabi sa mahabang upuan ang dalawa pang matandang babae.
Hindi makapanulas ang kataga sa bibig ni Leo. Sumulyap lang siya kay Mang Nario. Sumunod kay Aling Maling, kay Aling Moreng at ang panghuli ay kay Lumin.
Matagal siyang napatitig sa dalaga. Walang kurap at mababasa ang lumbay sa lamlam ng kanyang mga mata.
Nagtatanong naman ang pananaw ni Lumin. Hindi siya makakurap sa pangambang biglang maglaho ang nakikita niyang ilaw sa mga mata ng binata. Inaaninag ang gusto niyang malaman, habang siya’y nakaupo sa unang baitang ng hagdan.
Di kawasa’y bumaling si Leo kay Mang Nario at pilit na nagsalita. “Marami hong salamat sa maganda ninyong pagtanggap sa akin.”
“Ba-Bakit.?“ tanong ni Mang Nario. “Di ba’t kami ang may utang na loob sa iyo.?“ sudlong pang nagtataka.
Umiling si Leo at nagwika. “maliit na bagay lang ang naitulong ko kay Lumin. Hindi sapat upang ipantay sa ginawa ninyong pag-aalaga sa akin habang ako ay sugatan.”
Napakislot naman ang dalawang matandang babae. Hindi malaman kung titindig o tututol, ngunit sila’y naunahan sa pagsasalita.
“Magpapaalam na ho ako sa inyo.” namutawing kataga sa bibig ni Leo. Halata ang naghihirap niyang kalooban at tila may tinik sa kanyang lalamunan.
“Bakit naman.?“ tanong agad ni Mang Nario. “May nagawa ba kaming dahilan upang ikaw ay umalis.?“ kasudlong pang wika ng matanda at bahagya pang napaangat sa upuan.
Napamaang din ang tatlong nakikinig. Hinintay nila ang isasagot ng binata.
“Wala ho.“ mahinang bigkas ni Leo kasabay ang pagyuko.
Tuluyang napatindig si Mang Nario. Lumapit sa binata at naging matapat ang pagtatapat. “Para sa akin, itinuring na kitang anak, kahit hindi kayo nagkatuluyan ni Ima o Perenya bilang mag-asawa. Ngayon, lalo sanang mapapanatg ang kalooban ko kung magkakasama tayo hanggang wakas.“
Hindi nakahuma si Leo. Itinago ang mukha sa pagyuko. May sugat na umaantak sa kanyang puso at iyon ang pilit niyang itinatago.
Hindi nakatiis si Aling Maling. Sumabad sa nasang makatulong. “Kung inagawan ka man ng karapatan kay Garuda. Diyos lamang ang nakakaalam sa buhay ng isang tao kung paano mamamatay. Kung tutuusin, una kang sinaktan ni Garuda. Hindi mo na kailangan ang lumayo pa.”
Isang matamlay na ngiti ang namilaylay sa labi ni Leo. Nakayuko pa rin nang siya’y sumagot. ”May dahilan ho ang paglayo ko.“
Marahang nagbago ang anyo ni Lumin. Lumuwag ang dalawa niyang kamay na humahawak sa gabay ng hagdan. Inangat ang noo niyang nakahilig sa likod ng kanyang palad. Nahantad ang luhang kanina pa niya itinatago. Nasaktan siya sa sinabi ni Leo.
Natigilan din ang tatlong matanda. Hindi makapag-usisa. Nabubuo sa kanilang isipan ang isang nakalipas na pangyayari at kasagutan. Ang sumpa ng pag-ibig na kung hindi hahadlangan, mabubuhay ang punla kung hindi maaapula.
“Aalis na ho ako.” tila patapos na wika ni Leo kasabay ang pagtindig at pagsulyap sa palibot. “Nasaan ho si Lumin.?“ agad niyang sudlong nang ‘di makita ang dalagang kanina lang ay nakaupo sa baitang ng hagdan.
“Umakyat sa itaas.” sagot ni Aling Moreng. ”Nasaktan yata sa pamamaalam mo.“
Natigilan si Leo. Gustong umakyat, ngunit nag-aalinlangan.
“Sige, Leo.” sabi ni Mang Nario. “Umakyat ka. Mag-usap kayo. Nasasaiyo lang ang pag-asa upang hindi tayo magkakalayo.” ang sabi pang nakalahad ang kamay na papaitaas.
Ang kapahintulutan ay sinamantala ni Leo. Marahan siyang umakyat at nanawagan nang makapasok sa salas. “Lumin…Lumin..”
Nasa silid ang dalaga. Hindi makasagot sa paghihinagpis. Pinipilit ang sarili, ngunit tla nauumid ang kayang dila.
“Lumin.” tawag uli ni Leo. “Pangit mang tingnan, pumasok na ako pagkat ayaw mong sumagot. Bakit.?“ dugtong pang tanong.
Hindi rin sumagot ang dalaga. Isinara lang ang kurtina ng durungawan upang ‘di makita sa labas ang pagpatak ng kanyang luha.
“Nagagalit ka ba sa akin.?“ muling tanong ni Leo sa nakikitang hinampo ng dalaga.
“I-Ikaw kasi. Lalayo ka nang dahil sa akin. Ayaw mo na ba akong makita.?“ ang sagot na malungkot at nanginginig ang tinig.
“Hindi sa ganoon, Lumin. Alam mo ang dahilan. Gusto kong maging tapat sa alaala ni Perenya. Ang iyong kakambal. Ayokong makalimot.” paliwanag ni Leo at tila nangingiming hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga.
Humigpit naman ang hawak ni Lumin sa pasamano ng durungawan, hindi siya makaharap sa binata. Natatakot na ‘di mawari. Ayaw niyang ipakita ang kanyang pagtangis, ngunit nadarama naman sa malimit niyang pagsinghap.
Nag-isip si Leo. Kung magtatagal pa siya, lalong maghihirap ang kanilang kalooban. Kailagan na niyang magpaalam. “Aalis na ako.”
“Saan ka pupunta.” pagdaka’y tanong ni Lumin.
“Sa Pulong Masle.” sagot ni Leo. “Susundan ko si Perenya. Gusto kong magkasama kami hanggang doon sa kabilang buhay. Alam kong naghihintay siya sa aking pagdating.
Napahikbi si Lumin. Dumalas ang patak ng luha nang marinig ang itinugon sa kanya.
“Aalis ba akong hindi ko nasisilayan ang iyong mukha.?“ halos pabulong na tanong ni Leo sa dahilang hindi niya matinag si Lumin sa marahang kabig.
“Paalam“ patapos pang sudlong at at lumuwag ang hawak sa balikat ng dalaga.
Habol naman ang hiningang agad humarap si Lumin. Nahantad ang mga matang hilam sa luha. “kung talagang mapilit ka.” sabi pa niya. “Sana’y dinggin mo ang huling pakiusap ko.“
“Ano ‘yon.?“ tanong ng binata habang hinahaplos ng daliri ang luhaang dalaga.
“Gumagabi na. Magpabukas ka na lang.“ sumamo ni Lumin.
Matagal bago nakasagot si Leo. Naisip niyang mahirap nga ang mamangka sa dilim at hindi pa tiyak kung mayroon siyang masasagwan.
Ang walang sawang bukal ng kalumgkutan ay ikinubli ni Lumin sa dibdib ni Leo. Nakadakot ang dalawa niyang kamay sa damit ng binata. Ang binatang makaitlo nang humalik sa kanya. Ang binatang itinuring niyang katipan pagkat nadama niya iyon nang huli siyang mahagkan sa kabundukan. Ang binatang nagbukas sa kanya kung gaano katamis ang magmahal, at saka ngayon, bigla siyang iiwanan. Napakasakit. Damdam niya, hindi siya mabubuhay kung wala rin, lang ang minamahal. Sa pangyayaring iyon, pumapagitan ang hikbi sa kanyang mga salita.
“Kung madarama mo lang ang nadarama ko. Damdamin ko’y walang pinag-iba sa minahal mong kakambal ko.”
Sukat sa sinabing iyon, niyakap ni Leo ang dalaga. Mahigpit at pilit na ipinadama ang puso niyang umuunawa.
Yumakap din si Lumin. Patuloy ang pananalita. “Ayokong sarilinan ang alaala ng kahapon, dahil kabahagi lang ako ni Ima o Perenya sa puso mo. Gayon man. Kahit paminsan-minsan lang, saan ka man naroroon, sumagi sana sa isip mo, dito sa lupa, lagi akong naghihintay sa pagbabalik mo.“
Napadalas ang lunok ni Leo. Mariing napapikit. Gusto nang gumuho ang moog sa kanyang dibdib. Pilit niyang pinaglabanan ang kabig ng pag-ibig sa tulak ng bibig.
“Huwag, Lumin. Ituring mo na lang sa isang panaginip ang mga namagitan sa atin.“ aniyang paos ang tinig.
Umangat an mukha ni Lumin at itinaas ang paningin. “Madaling gawin ang sinabi mo, Leo. Kung ako’y hindi dalagang silangan.“
Ang humahabang paklian ay nauntol nang marinig nila ang langitngit ng hagdang kawayan. Alam nilang may umaakyat.
Kumalas si Lumin at nagpaunang lumabas patungo sa salas, kasabay ang pagpunas ng luha.
Nang makaakyat ang tatlong matanda, nasa salas na sina Leo at Lumin.
“Ano’ng napagpasiyahan ninyo.?“ bungad ni Mang Nario bago naupo sa harapan ng dalawang tinanong.
“Inamuki ko po siyang magpabukas na lang, Tatang.“ sagot ni Lumin. Matamlay at halatang pinatatag lamang ang sarili.
“Ganoon nga ho ang napagkasunduan namin. Maaga akong aalis at baka hindi na ninyo ako magisnan.” malungkot ding pahayag ni Leo.
Marahang napasunod sa pag-upo ang dalawang matandang babae. Agad nabakas sa kanilang mukha ang kalungkutan. Ang pag-aatubili nila kanina ay nahalinhan ng pag-uusisa. ”Bakit hindi ka magbago ng pasiya, Leo.?“ tanong ni Aling Maling.
“Kayo rin ang mahihirapan.” salo naman ni Aling Moreng.
Hindi nakaimik si Mang Nario. Tumamlay din ang kilos nang isa-isang balingan ang mga kaumpok.
Hindi rin nakahuma si Leo. Tumingin muna kay Lumin, bago nagsalita. “Kapag nasumpungan ko ang liwanag na magmumula sa Pulong Masle, magbabalik ako upang tanglawan ang kadilimang naririto.“
Napakagat-labi si Lumin. Ayaw pahulagpusin ang naghuhumiyaw niyang damdamin na siya’y maghihintay. Nagdahilan siyang lalabas upang ihanda ang kanilang hapuan.
Naging matamlay ang gabing iyon sa mag-anak. Kumibot-dili. Animo’y laging nag-iisip. Bawat galaw ay mabagal at malimit ang mapanglaw na sulyap kay Leo.
Kalakip ang kalungkutan, ginampanan pa rin ni Lumin ang magandang paglilingkod kay Leo, lalo na sa kanilang hapunan. Bawat subo ng dalaga, kasabay ang sulyap sa binata. Gusto niyang matiyak na mabubusog ang lalaking nagpatibok ng pag-ibig sa kanyang puso.
Magkaharap sa hapunan sina Leo at Lumin. Pinauna silang kumain upang mabigyan pa ng daan ang masukal nilang landas. Mahawi man lang ang maitim na ulap sa kanilang panginorin, ngunit ang gabi ay madilim. Matagal pa bago sumikat ang araw.
Inayos din ni Lumin ang higaan ni Leo sa kamalig. Kahit iyon na ang huling gabi, pinalitan pa rin niya ang punda ng unan at kumot ni Leo.
“Hahanap-hanapin ko ang ginagawa mong paglingap sa akin. Bakit pinapalitan mo na ang mga ginamit ko sa pagtulog.? Maglalaba ka na naman.” ang tanong.
“Ang gagamitin mo ngayon ay gagawin kong pambalabal sa lamig ng gabi upang lagi kong madama ang init ng iyong katawan.” ang sabing kasunod ang impit na hagulgol at yumukong isinubsob ang mukha sa dalawa niyang palad.
Bato mang sakdal tigas, sa patak ng luha ay sapilitang maaagnas. Agad niyakap ni Leo si Lumin. Mahigpit at matagal na pinaglapat ang kanilang dibdib upang ipadama sa dalaga ang init ng kanyang puso. Yamang muli na naman siyang nakalimot at nagkasala sa alaala ni Perenya, hinagkan niya sa labi ang lumuluhang dalaga. Parang uhaw na walang sawa, hanggang sa mabasa ng luha ang kanyang mukha, tulad noong unang hagkan niya si Lumin sa burol ng halamanan. Di kawasa’y naghiwalay ang kanilang labi nang maramdaman ang kaluskos ng tatlong matanda sa labas ng kamalig.
Marahang umalpas si Lumin sa pagkakayakap ni Leo. Ipinagpatuloy ang ‘di mapawastong ginagawa sa papag. Paulit-ulit. “Lalo lang akong nahihirapan sa ipinadarama mong pagmamahal.“ nakayukong sabi ng dalaga.
“Hindi ko mapaglabanan, Lumin. Patawarin mo ako. Lagi kitang idinaramay sa aking kasalanan kay Perenya.” tila may bikig sa lalamunang sabi ni Leo, habang nakapanungaw sa maliit na durungawan. Nakita rin niya ang pag-akyat ng tatlong matanda sa hagdan ng batalan.
Hindi kita sinisisi, Leo. May dahilan kang ‘di mo mapaglabanan.” nakayuko pa ring sabi ng dalaga at marahang naupo sa papag at inunat ang nakatuping banig sa ilalim ng unan na para bang pahiwatig na umunat din si Leo sa mga nakaraang pangyayari.
“May ibig kang sabihin.“ tanong ni leo.
“Iba na ang damdamin mo ngayon.“ sagot ni Lumin. “Ayokong sa bibig ko magmula ang masakit na katotohanan. Umid ang dila ko sa ganitong pagkakataon. Ang hindi ko kayang bigkasin. Noon pa ay nabasa mo na sa kislap ng aking mga mata. Hindi ko kayang limutin ka.“ ang sudlong kahit nakayuko.
Lalong namanglaw si Leo. Alam niya ang ibig sabihin ni Lumin. Pag-ibig na ‘di maabot-dili.
“Ma-Matulog ka na.” inibang diwa ni Lumin. “Ano’ng oras ba ang alis mo bukas.?“ sudlong pang tanong.
“Huwag ka nang mag-abala. Baka hindi mo na ‘ko magisnan.“ mahinang sagot ni Leo at pilit na inapuhap sa tingin ang nakayukong mukha ng dalaga upang sa huling sandali, makita niyang muli ang mukha ni Perenya.
“A_Ayaw mong ihanda ko ang huling agahan mo rito.?“ tanong ni Lumin, kasabay ang tindig at sulyap sa binata. Matagal siyang napatitig. Parang pinagsasawa ang pananaw . Mga matang babad na sa luha dahil sa pagsintang ‘di maabot –sabi.
Hindi na kayang sumagot ni Leo. Tumango na lamang at siya naman ang marahang naupo sa papag at napatitig sa kawalan.
“Bukas, kung hindi na tayo magkikita. Isasauli ko na sa iyo ang alahas ni Perenya.” sabi ni Lumin at inilabas sa kanyang lukbutan ang isang kahita.
“Huwag, Lumin.!“ tutol ni Leo sabay tindig .” Sa iyo na ‘yan. Isang alaala mula sa iyong kakambal.“ ang sudlong pang pahikayat. “Balang araw, may ligaya ka ring masusumpungan kapag iningatan mo.”
Nakikiming umiling ang dalaga. Hindi matanggap ang sinabi ni Leo. “Iba siya sa akin. May dahilan siya, samantalang ako’y wala upang tanggapin ko ang tanda ng inyong pagmamahalan. “
“Ikaw lang ang pinakamalapit sa aking puso.” sabi naman ni Leo. “Kung totoo ang sinabi mong iisa lamang ang damdamain ninyo ni Perenya. Mamahalin mo rin ang alaala niya. Sana, paunlakan mo rin ako, bilang huling kahilingan.“
Hindi nakaimik si Lumin. Parang may kung anong lumukso sa kanyang puso. Nawala ang pagtutol, lalo na nang ipakuyom sa kamay niya ang kahita. Saka lang siya nagsalita. “Tatangapin ko ito kung dadalhin mo ang bigay ko sa iyong damit.“
Tumango lang si Leo. Muling naupong payuko at hindi na tiningnan ang paglabas ni Lumin nang iyon ay magpaalam. Ang pandinig na lang niya ang ginawang panghatid sa papalayong yabag ng dalaga. Panay ang buntong hininga at halata ang paghihirap ng kalooban.
Higit ang siphayong nadarama ni Lumin habang paakyat sa batalan. Wala na siyang nadaramang kasiyahan sa paghinga. Kung maaari lang, gusto na niyang mapugto ang hiniram na buhay, pagkat natatakot na siyang makita pa ang araw ng bukas kung wala na si Leo.
Unang tilaok pa lamamg ng mga tatsaw na labuyo sa kabundukan ay naghanda na si Leo sa paglisan. Naisip niyang mabuti na ang mas maaga pa sa inaasahan ni Lumin upang ‘di na maghirap ang kanilang kalooban. Ayaw na niyang makita ang luha ng dalaga. Natatakot na rin siyang makita ang alaala ni Lumin. Ngunit hindi niya masaway ang isang kasunduan. Dinala niya ang damit na bigay ng dalaga. Nakabaot sa tsaketa na kahit butas-butas, nilabhan pa rin ni Lumin.
Sinakyan ni Leo ang kabayong iniwan ni Wana upang may magamit siya sa oras ng pangangailangan. Marahan siyang lumabas sa bakuran, at nang matapat sa durungawan ni Lumin, hinigit niya ang lubid ng kabayo upang tumigil. Matagal niyang pinagmasdan ang buong kabahayan bilang pamamaalam sa akalang hindi na niya mababalikan ang salas na may kaunting anag-ag ng liwanag at ang madilim na silid ni Lumin. Nagtatanong ang kanyang muni kung nasaan o may gising ba sa tahanang iyon.? Sumagot ang nag-aalinlangang hinala. Bumulong ang hanging madaya. Sinabi sa kanyang tulog ang nasa madilim na silid.
Muling pinalakad ni Leo ang kabayo. Paimbabaw ang pasasalamat. Lilisan siyang magaan ang kalooban, dahil hindi niya nakita ang tungkulin ng isang nagmamahal. Gayon man, para sa kanya, mabuti na ang ganoon, kaysa anurin siya sa agos ng luha, kapag nagkita pa sila ng dalaga.
Ngunit ang totoo, gising si Lumin. Magdamag siyang nag- antabay upang makita man lang ang kahit huling hakbang sa paglisan ni Leo. Nakasilip siya sa maliit na awang ng kurtina. Halos mawindang ang kanyang puso habang tinatanaw ang papalayong binata. At kasabay sa pagpatak ng hamog mula sa balisbisan ng bubungan, tumulo rin ang luha ng dalaga.
Minsan pang lumingon si Leo sa durungawan ni Lumin. Nakita niyang lumapad ang kanina’y makitid na awang ng kurtinang puti. Naisip niyang bukas na iyon at nakapanungaw si Lumin, habang inihahatid siya ng tanaw. Hindi lang niya nakita dahil sa dilim ng gabi. Kumaway siya bilang pamamaalam, hanggang maglaho siya sa karimlan.
Nanghihinang napaupo si Lumin sa likmuan. Sumubsob sa pasamano at inipit ang ginawang pagtangis. Paano niyang haharapin ang araw ng bukas.? Ano ang gagawin niya.? Mga hinaing ng puso niyang nagtatanong.
Laganap pa ang dilim nang sapitin ni Leo ang Baryo Wawa. Una niyng nabungaran ang ilang Anak-Parang na doon ay nagbabantay. Agad siyang nakilala at naghimaton pang nasa wawa ng ilog ang kanayng bangka.
Bukang liwayway na nang bagtasin ni Leo ang karagatan. Banayad ang kanyang pagsagwan. Minumuni ang mga nagdaang panahon. Ang kaligayahan at kalungkutan. Ang maraming tagpo sa Pulong Masle. Mahirap malimutan at ngayon ay kanyang babalikan.
Nasa laot pa lamang si Leo, ngunit nasa pulo na ang kanyang diwa. Para niyang nakikita si Perenya. Kumakaway at naghihintay. Binilisan niya ang paggaod ng sagwan, hanggang sa marating ang kabilang dalampasigan.
Nagdudumaling nilandas ni Leo ang gasgas na damuhang patungo sa puntod ni Perenya. Mistula siyang namamalikmata nang makita ang lupang payapa at ang nakakiling na kurus. “Patawad aking Perenya.” ang kanyang nausal at isinaloob na lamang ang nabigong paghihiganti kay Garuda. Ang pagiging marupok sa sumpa ng pag-ibig. Ang lahat ay balintuna sa dapat asahan. Kailangan ang pasisisi at ituwid ang nakakiling na simbulo ng puntod.
Matagal din bago bumaling si Leo. Sinulyapan ang dating pook na pinagniniigan nila ni Perenya. Ang punong mangga na ang ilang sanga ay nakahandusay sa lupa.
Matamlay siyang lumuklok sa punong pinahapay ng bagyo upang nilay-nilayin ang kanilang lumipas. Nakatulala at pagkaraan ay pumikit.
Ilang araw pa ang lumipas. Naging kainip-inip sa mga kilabot ang paulit-ulit nilang pagbalangkas ng bitag kay Marcaida. Sa una, akala nila ay tama, ngunit sa bandang huli ay mali. Ang kinalabasan, tumagal ang inaakalang sila’y matatalino sa pangunguna ni Garuda.
Mula sa kuta, makikitang papalabas na naman ang apat na kilabot sa katusuhan. Kasama ang ilang tauhan. Panibago na namang panimula sa pagbitag kay Marcaida ang kanilang gagawin.
Nangunguna at magkaagapay ang kabayo nina Garuda at Sultan Kalagara. Hindi mahapawang gatang ang bunganga ng una sa pamamarali habang nakikinig naman ang huli.
“Daig ng tuso ang matalino.!“ ang laging sinasabi ni Garuda, kasunod ang biglang halakhak at bigla ring tigil. Si Marcaida ang sangkalan nila sa tuwina at ipinangangalandakan pa ang suliranin nila sa kalaban ay bahagi lamang ng kanyang pakikipaglaro.
Sampalataya naman si Sultan Kalagara sa ibayong katusuhan ni Garuda. Nagpugay pa siya sa pamamagitan ng kamay at nakangiwing nagwila. “Sabik na ako sa katuparan ng ating balak.”
Sa bahagi ring iyon, napapalukso naman ang dugo ng dalawang kasunod na alalay. Agad silang umagapay sa dalawa nilang pinuno. Si Mostafa ang unang nagbadya at pinangalawahan ni Datu Budjik. Sila rin ay nauuhaw sa paghihiganti kay Marcaida sa paraang angkinin ang kagandahan nito. Gusto rin nlang makihalakhak bilang sagot sa nakaraang pangungutya sa kanila ng mestisang espanyola. Para sa kanila, mas matunog ang alingawngaw ng bunganga kaysa dagundong ng kulog.
“Mga tarantdo.!“ nabiglang bulyaw ni Garuda. “Mapupunta lang sa inyo si Marcaida kapag sawa na ako.!“ ang sudlong at humalakhak pang hinaplit ang kanyang kabayo.
Muling nagpahuli ang dalawang binulyawan. Hindi na kumibo. Alam nila ang ugali ni Garuda. Hindi palalamang at ang pangahas, bagsik ng kamay sa pagbunot ng baril. Hindi rin nila maaaring subukan sa pataksil na paraan. Para bang hinuhudyatan ng hangin kapag binabantaan ng isang traydor.
Nagtuloy ang pangkat ni Garuda sa gitna ng bayan. Maghapon silang nag-inuman ng tuba sa isang pondahan na pinilit lamang upang magbukas ng paninda. Pawang kawalanghiyaan ang kanilang ginawa. Nambastos at nanakit.
Dapithapon na nang magsawa sa pag-inom ang mga kilabot. Nagsitindig upang lumisan. Ngunit hindi roon natapos ang kanilang kagaspangan. Hinarap ang ilang mamamayan upang bihagin.
“Bakit.?“ n agtatakang tanong ni Marcaida nang makita ang kaalingasngasan ni Garuda habang pinagtutulakan ang mga nagtatangisang bihag.
“Marami ang nasaktan bago ko sila nakuha.!“ nagmamalaking sagot ni Garuda at niliwanag ang wastong kasagutan. “Sila ang gagawin kong sangkap sa pakikipaglaro. Makikita mo rin kung gaano ako katuso.!“
Napaismid si Marcaida. Nilingang isa-isa ang mga bihag. Nakita niyang higit na marami ang mga paslit. Marurusing. Nagpuputik ang mukha sa pag-iyak at nagsisiksikan sa bawat isa. “Kung sabagay.” sabi pa niya. “May nakaprograma na akong idea para maibalik ang mga armas. Pero, unahin natin ang sistema mo, dahil nariyan na ang sinasabi mong sangkap sa pakikipaglaban.“ sudlong pa ng espanyola at iiling-iling na pumasok sa kanyang silid.
Naiwan ang apat na kilabot. Nagsingisi muna bago binalingan ang mga tauhan upang ikulong ang mga bihag.
Kinabukasan, anyong matamlay ang apat na kilabot nang maraanan ni Marcaida sa balkonahe. “Para kang namatayan ng kabayo, Garuda.!“ nakatawang bati ng babae at isinampay sa kanyang balikat ang tuwalyang gamit sa paliligo.
“Anong kabayo ang sinasabi mo.?“ namumulagat na tanong ni Garuda. Nanginig ang baba sa dahilang para sa kanya, iyon ang tukso niya.
Lihim namang nagngisngisan ang tatlong kasama ni Garuda. Nagsitalikod at humarap sa pasamano ng balkonahe. Alam nilang mananagadsad na naman ang pagsimangot ng kanilang pinuno.
Sumagot si Marcaida. “Iyon ang isa sa mga nilalang na ano mang oras mong sakyan, hindi nagrereklamo.!“ at saka tumawang pakutya pagkat may ibig siyang sabihin. Maaring nanunukso pagkat may hawig sa kabayo si Garuda o kaya naman, dahil sa paglalapastangan sa mga dalaga.
Hindi nakaunawa si Garuda. Muling nangalumbaba at nagpaliwanag kung bakit siya mapanglaw. “Si Wana ang dahilan. Makikipagtagisan daw ng utak sa akin. Iyon ay ayon sa aming tagapamagitan.!“
Muling tumawa ang mestisang espanyola at pakiling na nagtanong. “Ano bang talaga ang pinaplano mo.?“
“Ganito ‘yon.” sabi ni Garuda kasabay ang tindig. “Binantaan ko si Wana. Sa loob na tatlong araw, kailangang maibalik ang mga sandatang nawawala.!“
Tumihim si Marcaida. ”Tiyak, sa bihag ka babawi.!“
Tumango si Garuda at saka sumagot. “Sa parehas na palitan. Isang bihag, isang baril. Pag ‘di siya pumayag…”
“Papatayin mo ang mga bihag.?“ agaw na tanong ng babae.
Nakangising tumango ang lalake, ngunit may pahabol. “Iyon ay banta ko lamang.!“
“Ganoon pala at mayroon kang panakot. Paano kang uutakan ni Wana.?“ alinlangang tanong ni Marcaida.
“Naniniguro lang siya.!“ sagot ni Garuda. “Gusto niyang magtagpo kami sa labas ng kuta. Sa isang pook na kami lang ang mag-uusap.!“
“Intelegente si Wana.“ sabi ni Marcaida. “Segurista at hindi palalamang sa isang katulad mo.!“ ang sudlong na may halong tawa at pinagbuti pa ang pagsipat sa kausap.
Kumulimlim ang mukha ni Garuda. Parang nakahalata sa kilos ng babae. Gayon man, hindi siya nagtaas ng boses. “Mabigat ang kasalanan ko kay Wana. Baka doon pa lang…” sadyang ibinitin ang salita ni Garuda at hudyat na lamang ang idinugtong. Pagilit na hinila ang kanyang hintuturo sa tapat ng lalamunan at ginaya pa ang piyok ng manok.
“Pinatatawa mo ako, Garuda. Wala sa pigura mo ang maging cobarde sa harap ng isang bonita. Puera lang kung iba ang binibitag mo. Di kaya.?”
Nagsunod-sunod ang iling ni Garuda. Ginawang makatotohanan ang patanggi kahit amining kulang siya sa talino at iyon ay totoo naman. “Ikaw ang matalino. Tulungan mo ako.” sabi pa niya sa anyong pagluhog.
Pumalatak ang dila ni Marcaida. Pinigil ang pagtawa upang magpaliwanag at magtanong. “Bakit ikaw ang susunod sa kanyang condiciones.?“
“Kung ayaw ko.“ sagot ni Garuda. ”Paliligiran nila ang kuta. Walang magbibigay ng pagkain hanggang sa tayo’y magutom.!“
Muling tumawa si Marcaida. May halong iling ng ulo ang salita. “Duda ako sa dahilan mo, Garuda. Malabo at hindi kapanipaniwala.!“
“Ano’ng ibig mong sabihin.?“ naiinitang tanong ni Garuda at inalis pa ang saklob sa ulo upang ipamaypay.
Sumagot ang babae. “Hindi gagawin ni Wana ang ganoon. Unang magugutom ang mga prisoneros.! Kulang ka sa paggawa ng isang magandang patibong. Baka iba ang mabitag mo.?“
Napakislot si Garuda nang tangka siyang talikuran ni Marcaida. “Totoo ang sinabi.!“ habol pa ng kilabot. “Katunayan, gusto ka ring makausap ni Wana. Kayo ang nararapat na magtagisan ng talino.!“
Hindi sumagot si Marcaida, ngunit namalaging nakatawa. Iiling-iling pa nang kunin sa sabitan ang isang maliit na de makinang baril. Hinugot ang bahay-punglo at muling isinuksok nang matiyak na kargado ang sandatang lagi niyang dala sa batis.
Naiwan sina Garuda at ang tatlong kasapakat na kanina ay taga pakinig lamang. Ngayo’y nagsisingisi at ang mga mata ay bumubural sa kasabikan habang tinatanaw ang pagsakay ni Maracaida sa kabayo.
“Ngayon na ang katuparan ng ating pinakamagandang patibong kay Marcaida.” sabi ni Garauda kay Sultan Kalagara. “Daig niya ‘ko sa harapang pagtatalo, ngunit sa katusuhan, talo ko siya.!“
“Oras na rin upang akyatin ko sa tore si Marata.!“ nakangising sabi ni Datu Budjik habang kinakapa ang kanyang balaraw.
Ilang sandali pa, narating ni Marcaida ang batis na nasa gitna ng kasukalan. Tumuntong siya sa isang gulod at tinanaw ang kuta. Naaninag niya ang taong nasa bantayan. Ang pinagkakatiwalaan niyang kaibigan na laging naglalargabista kung may panganib sa kasukalan.
Bumaba sa gulod si Marcaida at nangubli sa halamanan. Tiwalang hinubad ang kanyang bata de banyo at ipinantakip sa baril na nakapatong sa malaking bato. Nahantad ang isang magandang anyubog ng babae pagkat dalawang pirasong saplot lamang ang tumatakip sa kanyang dibdib at ibabang puson. Nasa baywang pa rin ang pistol.
Naupo sa batuhan si Marcaida. Itinampisaw muna ang nakalawit niyang paa bago tuluyang lumusong sa tubig. Sumisid siya sa bahaging malalim at sadya pang nagtagal upang pawiin ang nadaramang init sa katawan. Subalit nang siya’y lumitaw, nabuglawan niya ang pitong sandatahang lalake na nakadunghal sa pampang.
“Huwag mo nang isipin ang lumaban. Mabibigo ka lamang.“ anang isang lalake na tila pinanday ng panahon ang matipunong katawan. Si Pandong panday.
“Ano’ng kailangan ninyo sa akin.?“ tanong ni Marcaida at isa-isang sinipat ang mga taong nakaumang ang maliliit nilang de makinang baril.
“Sumama ka sa amin.!“ paasik na sigaw ng isa pang lalake. Nandidilat ang paningin at tila handang pumatay.
Umilap ang mata ni Maracaida nang makadama ng panganib. Nagpasiya ang kanyang utak at buong linding umahon sa tubig upang pukawin ang damdamin ng mga lalaking sa tingin niya ay kasapi sa pangkat ng Anak-Parang.
Nangabigla ang mga lalake. Sa tanang buhay nila, ngayon lang sila nakakita nang ganoong anyubog. Isang kagandahang halos hubad na sa kanilang paningin.
Yumuko si Marcaida upang damputin ang damit na pambalabal. May kabagalan at sinadyang manggayuma upang iligaw ang pansin ng mga kaharap.
Napakunot-noo ang ilan sa lalake. Ang iba’y nagkurap ng mata. Nanibago. Sanay sila sa ugali ng dalagang silangan. Kapag yumuko, kasabay ang tutop ng damit sa tapat ng dibdib.
Sinamantala ni Marcaida ang pagkakataon. Biglang sumakamay niya ang baril na nasa ilalim ng damit. Ang baril na sadyang kinasa niya bago inilapag sa malaking bato at pawasiwas na kinalabit sa harap ng mga lalake na satingin niya ay handa siyang patayin. “Punyeta,!“ malakas pa niyang sigaw pagkat hindi pumutok ang baril, kahit ulit-ulitin ang pagkalabit.
Nangabigla ma’y dagli ring naparan ang sindak sa mukha ng mga lalake. Sabay-sabay na itnutok sa mukha ni Marcaida ang hawak nilang baril at isa ang kumuha sa thompson ng babae, pati na ang pistol sa baywang.
Ang silakbo ng galit ay nasa mukha ni Marcaida. Tumalaga siya upang tanggapin ang punglong magmumula sa kalaban.
Humanga ang mga lalake sa katapangan ni Marcaida. Nawala ang anyo nilang matapang at mabagsik. Ngumiti sila at ang iba ay nagbaba ng baril upang sa lupa itutok.
“Sumama ka sa amin.” ani Pandong. “Gusto kang makausap ni Wana, bilang kapalit ni Garuda .
Napakiling ang ulo ni Marcaida. Sinipat niyang mabuti ang mukha ni Pandong. Namukhaan niya ang taong unang naghimagsik sa paggawa ng kuta. Ang panday na pinanday ni Nau sa karate. Ngayon ay nasa harap niya at mababakas pa rin sa kanyang mga mata ang kinikimkim na galit. Gayon man, naparam ang kanyang hinala kung bakit hindi pumutok ang kanyang baril. Baka naipitan lang. Naisip din niyang tila tama ang sinabi ni Garuda. “Nasaan si Wana.?“ tanong na lang niya.
“Nasa kubo na dating pahingahan mo.!“ sagot ni Pandong
“Mula sa baluarte, tanaw ang paligid. Paano kayong nakalapit.?“ muling tanong ng babae.
“Kasama ‘yan sa kasunduan nina Garuda at Wana.” sagot ni Pandong at idinugtong pang nasa bayan na ang buong pangkat ng Anak-Parang. Dala ang lahat ng sandatang gustong mabawi ni Garuda.
Nagtatalo ang isip ni Marcaida. Yumuko na lang siya upang damputin ang damit na pantakip sa kanyang katawan. “Sasama ako.” sabi pa niya matapos makapagbihis.
“kailangan kang talian upang kami’y makatiyak.!“ sabi ni Pandong.
“Bakit pa.?“ galit na tanong ng espanyola.
“Katiyakan ang sabi ko.!“ Alam naming bihasa ka sa karate at pagtatanggol sa sarili. Nakakadala ang ikinilos mo Kanina.“ giit ding sagot ng lalake at hinudyatan ang apat na kasamang may hawak na tig-iisang panali. Ang lubid na sadyang may silo sa dulo.
“Anong klaseng tali ‘yan, Bakit pati paa.?“ paangil na tanong ni Marcaida, matapos suutan ng silo ang kanyang mga kamay.
“Balita ang galing mo sa pagsipa.!“ pakutyang sabi ni Pandong, ngunit may pasubaling makakalakad na mag-isa ang babae.
“Segurista nga kayo. Pero, hindi ninyo naisip na mas peligro ang bala ng mga guardia sa tore ng kuta.!“ panakot pa ng babae habang nakataas ang isa niyang paa na kasalukuyang sinusuutan ng lubid.
Hindi natinag ang mga lalake. Tumawa lang at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Hindi na rin kumibo si Marcaida nang maramdamang pahila siyang inakay ng dalawang lalake sa unahan. Napasunod ang kamay niyang may silo. Lalo pang namula sa galit ang kanyang pisngi nang magkasabay na hilahin ng apat na lalake ang lubid sa kanyang tagiliran. Napabuka ang kanyang paa sa palakad.
Halata sa mga lalake ang labis na hangaring matupad ang kanilang layunin, Nagmamadali at tinitiyak ang bawat hakbang.
“Pasalamat kayo at nagkataong gusto ko ring makausap si Wana.!“ nanggagalaiting sabi ni Marcaida.
“Tama lang ang sumunod ka,!“ sabi ni Pandong. Nasa hulihan at pinagduduldulan sa likod ng b abae ang hawak niyang baril.
Mahaba rin ang lakaran at maraming nakakatawang hakbang ang ginawa ni Marcaida bago narating ang kubo. “Nasaan si Wana.?“ tanong niya nang walang makita sa loob liban sa papag na nakahambalang sa gitna. “Kalagan na ninyo ako.!“ utos pa niya.
“Saka na lang. Maupo ka muna. Maaring patungo na siya rito.“ sabi ni Pandong kasabay ang pagsilip sa maliit na durungawan.
Naupo si Marcaida sa papag. Nais niyang ipahinga ang kapaguran sa paglakad. Wala sa loob na yumuko upang alisin ang mga amorsekong kumapit sa laylayan ng kanyang damit.
Ang pagkakataon ay sinamantala ng apat na lalake. Naghudyatan at sabay-sabay na hinila ang hawak nilang lubid upang mapatihaya sa papag ang babae.
“Ano ba.? Mga punyeta .!“ galit na sigaw ni Marcaida. Nag-uumalpas at panay ang mura.
Parang walang narinig ang apat na lalake. Nangangalit ang kanilang kalam’nan sa pagmamadaling maitali ang hawak nilang lubid sa paang papag. Walang pangimi kung masaktan man ang babae.
Hindi nman nagtagal, tumindig ang mga mananali. Tumatawang pinagmasdan ang nakatihayang babae. Dininig nila ang alimura ngunit parang putok na lumilipas din ang alingawngaw.
“Ano ba”ng talagang kailangan ninyo sa akin.?“ nanghihinang tanong ni Marcaida nang matiyak ang kawalang pag-asa upang makaalpas.
“Dinaramdam ko, Marcaida. Kailangan naming kumapit sa patalim.! Maghitay ka at darating na ang kasagutan.!“ sagot ni Pandong, kasunod ang hudyat sa mga kasama upang sila’y lumabas.
Naiwan si Maracaida sa napakapangit na kalagayan. Nakatihaya sa papag. Nakadipa ang mga kamay at nakabuka ang dalawang paa. Sa unang pagkakataon, ngayon lang kumaba ang kanyang dibdib. Hindi mawari kung sino ang talagang dapat niyang pangambahan. Kung sino ang mga taong nasa labas. Kumakaluskos at nag-uusap, kasunod ang malakas na halakhak. “Si Garuda.!“ bigla niyang usal. Kumunot ang noo at nabakas ang pag-aalinlangan. Hinintay niya ang liwanag sa usapang nagmumula sa labas.
“Mostafa,! Kunin ang kanilang baril at bahala ka na sa mga tarantadong ito.!“ anang tinig na umabot hanggang sa loob ng kubo.
Muling nabuksan ang pinto. Sumungaw ang nakangising si Garuda. “Ano’ng ginagawa mo rito.?“ tanong pa niya.
“Ginapos ako ng mga rebelde. Kalagan mo ‘ko.! Darating na ang grupo ni Wana.!“ anang babaing halata ang pagkailang sa mga mata ng kausap.
Humalakhak si Garuda at biglang tumigil. Lumigid sa papag at isa-isang sinipat ang tali ni Marcaida bago nagwika. “Ako ang bahala kay Wana.!“
“Segurado akong nakita ni Wana an ginawa mo sa labas.!“ paalala ni Macaida.
“Kalagan mo ‘ko.!“ pabulyaw pang sudlong nang mapunang dinudunghal siya ng kilabot.
Ngumisi si Garuda. Umiling-iling ang ulo. Lumikot ang mg mata at pabalik-balik sa gustong makita.
“Kalagan mo ‘ko.!“ ulit ng babae. Paimpit ang salita at iniwasan na ang paggalaw upang ‘di lalong mabulislis ang kanyang damit.
Tumigil sa pagtawa si Garuda. Luminga sa paligid at sa mga siwang ng dingding. Kapagkuwa’y sumilip siya sa pinto at sa durungawan bago pinagpipinid. “Tahimik ang paligid. Wala si Wana.!“ kumikindat pang sabi, kasabay ang pag-upo sa bingit ng papag.
“Bakit ka nagsara.?“ tanong ni Marcaida, kasunod ang pilit na pag-isod sa kabilang gilid.
“Upang walang makakita sa gagawin natin.!“ ang sagot at tila nanunuksong humudyat na huwag maingay sa pammagitan ng hintuturong daliri na pabalik-balik ang gewang sa tapat ng kanyang bibig.
Lalong nanlisik ang mga mata ng babae. Pilit na nag-uumalpas upang kahit paano ay makalmot ang kilabot.
Nagbago ang hugis ng mukha ni Garauda. Nawala ang pagtawa at bumaba ang tinig. Iniba rin ang paksa upang simulan ang paliwanag. “Ang mga taong bumihag sa iyo ay bahagi lamang ng isang patibong.
“Ano’ng binabalak mo ngayon.?“ galit na tanong ni Marcaida.
Sa pagitan ng mga pagtawa, inilahad ni Garuda ang paliwanang. Binanggit ang ilang batang bihag sa kuta. “Ama nila ang mga taong bumihag sa iyo. Sila ang pangkat ni Pandong. Pinangakuan ko silang makakasama nila ang mga batang bihag kung magagawa nila ang gusto kong bitag para sa iyo. Nagawa naman, kaya hayun.! Sa kuta sila nagsama-sama bilang karagdagang bihag sa kuta at tuloy pa rin ang balak kong palitan ng bihag at baril kay Wana. Ang tuso ko, ano.?“ tanong pang kasunod ang halakhak sa dating gawi.
“Punyeta.! Nagkatotoo ang hinala ko sa iyo.!“ singhal ni Marcaida. “Tuso ka lang at hindi matalino.! Kalagan mo ako at magbarilan tayo.!“
Biglang tumawa si Garuda. Bigla ring tumigil at nagtanong. “Ano’ng gagamitin mo.? Ang baril bang lagi mong dinadala o ang pistol sa baywang mo.?“ ang sigaw bago ipinagpatuloy ang paliwanag. “Ang magasin ng thompson mo ay pinalitan ko na ang bala ay walang pulbura. Alam ng mga bumihag sa iyo. Pero, ikaw, hindi mo alam na ang baril nila ay wala ring bala.!“
Sumulak ang dugo ni Marcaida. Muling namula ang mukha sa galit at sumigaw.
“Talagang utak pagong ka. Hindi mo naisip na kung ginamit ko ang aking pistol, sira ang bitag mo. Bobo.! Kalagan mo ‘ko.!“
Tumango si Garuda, kasabay ang wika. “Ikaw ang bobo.! Alam kong hindi ka gagamit ng pistol dahil marami ang iyong kalaban. Pito sila, hindi sapat ang anim mong bala at hindi ka naman pistolera.!“ ang sabing binago ang hugis ng mukha. Ngumiting pagkabait-bait at anyong tatalima sa isang kahilingang kalagan siya. Tig-dalawang daliring dinampot ng kilabot ang tali ng damit ni Marcaida upang kalagin.
“Punyeta.! Hindi ‘yan.!“ asik ng babae at umalsa ang katawan sa pagtutol.
Sa ganoong pagkakataon, bingi si Garuda. Patuloy ang marahang pagkalag sa tali ng bata de banyo. Para bang sinasabik ang sarili. Ninanamnam ang tamis. Gayon man, nasa isip pa rin ang paghanga kay Marcaida. Napatibong na, matapang pa rin. Bigla niyang binuksan ang damit ng babae.
“Bastos.! Hayop.!“ sigaw ni Marcaida nang mahantad ang maputi niyang katawan.
Nanlaki ang mga mata ni Garuda, ngunit nakuha pa ring ngumiting paimbabaw. Halos pabulong na ang salita. “Kay tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon. Ang managumpay sa pagbitag ko sa iyo upang ikaw ay maangkin. At ngayon, ako naman ang hahalakhak, bilang ganti sa mga nakaraan mong paghalakhak sa akin.
Gusto ko ring magmakaawa ka sa akin. Amining higit na magaling ang tuso kaysa matalino. Aminin mo.! Kung hindi.! Dudurugin ko ang iyong kagandahan.!“ pasigaw na ang dugtong.
Lalong bumukal ang alimura sa bibig ni Marcaida. Hindi natatakot. Lalong hindi nagsusumamo. May banta pa siya. “Pag-atake ni Wana, mauubos kayong lahat.!“
“Tuso ako, Marcaida. Hangga’t nasa kuta ang mga bihag.! Hindi ako magagalaw. At sapat mo pang malaman, patay na si Marata.!“
Nabuksan ang kasagutan sa hinala ni Marcaida, katanungan kung bakit hindi siya nabigyan ng babala ni Marata. Kumiwal siya sa galit at umigting ang bagang sa pagmumura.
“Ngayon ko lang sasabihin ang katotohanan.“ patuloy ni Garuda habang pakapa-kapang hinihimas ang katawan ni Marcaida.“ Hindi sira ang ating radyo. Ang alam ni Don Q kasama ka sa mga napatay ng Anak-Parang.!“
“Bolero.! Bastos.!“ patlang na sigaw ni Marcaida. Parang nandidiri sa kamay ng kilabot.
Ngumisi si Garuda bago nagpatuloy. “Naniwala si Don Q sa sinabi kong nagmalabis si Kenji kaya naghimagsik ang mga taga rito.!“
Napaismid si Marcaida sa narinig na kabulaanan. Bumaling siya sa kabila upang ‘di makita ang mukha ng kanyang kausap. “Kasinungalian.!“ wika pa niya at sapilitang ‘di pansinin ang paghipo sa kanya pagkat ayaw niyang magmakaawa.
“Sa’yo, Marcaida ay kasinungalian. Pero kay Don Q ay hindi! Tuwang-tuwa pa ang tarantado.! Nangako pang ipadadala rito ang isang barkong armas at karagdagan kong mga tauhan.!“
Mananagot ka kay Don Q.!“ banta na lang ng babae.
Maiksing tawa ang ginawa ni Garuda, bago sumagot. “Iba na ngayon ang balita. Nakakulong na si Don Q, pero, naipuslit naman ang barkong pangkargamento at mamayang gabi ang dating.!“
Napabaling si Marcaida sa kanyang kausap. Lipos ng pagkamangha at pagdaramdam. Para sa kanya, bagsak na ang kanilang samahan.
Lalo namang nagpakitang gilas si Garuda. Lumiyad ang dibdib tumingalang nakabusangol ang mukha sa pag-aakalang siya ay makisig sa ganoong anyo. Parang tatsaw na namayagpag at ipinangalandakan na siya ay mautak. Wala nang iba pagkat maging si Don Q ay tinawag niyang mangmang. Ang dahilan. Ang ipinagmamalaking utak na ipinadala ni Don Q ay nautakan din niya sa tusong pamamaraan. Iyon ay si Marcaida.
Muling nag-umalpas ang mestisang espanyola nang diinan ni Garuda ang maselang bahagi ng kanyang dibdib. “Bastos.!“ sigaw niya. ”Bigyan mo ‘ko ng pagkakataong makapagdepensa.! Kalagan mo ‘ko.!“
Magmakaawa ka muna.!“ nanunuya pang sabi ni Garuda.
Biglang bumaling sa kabila si Marcaida. Nangangalit ang bagang. Lalong tumapang sa tingin. Hindi siya magmamakaawa. Alam niyang pagnangyari ang ganoon, lalo siyang pagtatawanan ni Garuda.
Nagpatuloy lang ang kilabot sa padampi-damping haplos sa nakalatag na katawan ng babae. Alam niyang galing si Marcaida sa batis kaya basa ang dalawang pirasong saplot ng babae. “Gusto mo bang patuyuin ko ito sa init ng aking katawan.?“ ang tanong habang dinadama ang nasabing saplot. Gusto niyang sumuko ang babae.
Hindi nagbago ang anyo ni Marcaida. Lumikot lang ang mga mata. Nakita niyang bumunot ng patalim si Garuda at binantaan siyang puputulin ang tali ng kanyang saplot kung hindi magmamakaawa.
“Kung ayaw mo.! Umpisahan na natin.!“ nanggigigil na sabi ni Garuda. Sinimulan ang gusto. Dahan-dahan at may kasama pang pananaling.
Mariing napapikit si Marcaida. Lalong nangitim ang kanyang mga kamay at paa dahil sa pagkakasilo ng lubid. Humihigpit kapag siya ay umaalpas. Nagtagis din ang kanyang bagang nang maramdamang hantad na ang buo niyang katawan. Nanoot sa kanyang tainga ang walang patid na halakhak ni Garuda habang naghuhubad ng damit. Para siyang ginumok ng isang mabangis na dambuhala. Pinagwagwagan at sinaldakan nang buong kahayupan.
Tumigil lamang ang daluyong nang marating ni Garuda ang sukdulang ligaya, kasabay ang pasigaw na buntong hininga bago nagsalita. “Walanghiya ka.! Pinagod mo ‘ko.! Hindi ka na pala dalaga.?” paputol-putol na asik ng kilabot habang humihingal.
Hindi sumagot si Marcaida sa bintang ni Garuda. Walang saysay kung ipapaliwanag pa niya na ang babaing karatista ay kalimitang napipinsala ang pagkababae sa kasisipa.
Muling humalakhak si Garuda. Hindi na binigyang pansin ang natuklasang kamalian. Ang mahalaga, naging kanya ang kariktang pinanabikan. Dalawang kamay niyang inapuhap ang mukha ni Marcaida at tinangkang hagkan sa Labi.
Parang langgam na sinamantala ni Marcaida ang pagkakataong makaganti. Buong diin niyang kinagat ang labi ng kilabot.
Ang katahimikan sa labas ng kubo ay biglang binulabog nang higit pang lakas na sigaw ni Garuda. Nagpapalag. Hindi malaman ang gagawin kung paanong aalisin ang labi niyang humahaba lamang sa paghila.
Nanggigigil si Marcaida. Gumanti siya at pinagwagwagan din ang kinagat niyang nguso ni Garuda. Ang labi na may makapal na bigote at nakakasulasok sa kanyang panlasa. Hindi rin niya inalintana ang mabahong hangin na lumalabas sa bunganga ng lalake. Nagtiis siya at pinigilan na lang ang paghinga.
Saka lang nakawala si Garuda nang sakalin niya si Marcaida. Pumatak ang dugo mula sa kanyang labi at agad nagsimula ang mamad na kirot. “Talagang matalas ang utak mo.!“ ang sigaw na pahumal, kasunod ang sunud-sunod na sampal sa babae.
Ang lahat ng sakit ay tiniis ni Marcaida. Hindi siya dumaing. Nanatiling matigas ang kanyang mukha at hindi na binago ang pagkakapaling nang siya’y tigilan ng sampal.
Lalo lang nag-init si Garuda. Sa tingin niya ay hindi nasaktan ang kanyang sinampal. Sumukdol ang kasiyahan sa pananakit. Dinampot ang patalim na nakalapag at tangkang tapusin na ang babae. Ngunit bigla siyang natigilan. Nanaig ang diwa ng kamunduhan. Hindi pa siya sawa sa kagandahan ni Marcaida. Nakangising nagsalita. “Hindi ka dapat mamatay sa ganitong paraan. Papatayin kita sa kaligayahan.!“ pang-iinis pang sabi at marahang inilapag ang patalim kung saan pagkat muling nabuhay ang hilig niya sa babae. Ngunit may naramdaman siyang alingasngasan at kaluskos sa labas ng kubo. “Kapag hindi kayo umalis, mapupuwing ng bala ang inyong mga mata.! “ sigaw niya at naramdaman pa niya ang pagtakbo ng tatlong maninilip.
Matagal ding nagpakasawa si Garuda sa piling ni Marcaida. Bumagsak ang kanyang ulo sa kapaguran. Humilata siya sa tabi ng babaing mestisa. Animo’y lantang halaman na ‘di maitaas ang dahon. Nakagulapay at hindi makakilos, liban sa bunganga niyang patuloy ang pambubuska sa dalagang espanyol, hanggang sa siya ay makatulog.
Nakakita ng ga-dangkal na pag-asa si Marcaida upang makawala. Ang patalim sa papag ay paayon ang pagkakadikit sa kanyang braso. Isang dangkal ang layo sa kanyang daliri. Kailangan niyang mahawakan, bago man lang magising si Garuda,
Ang paraan ay isinagawa ni Marcaida. Ipinatong ang kanyang braso sa patalim at paisod na itinaas patungo sa kanyang daliri. Mabagal ang pag-isod na patalim na sa ilalim ng kanyang kamay. Bahagya lang niyang naisusulong ang braso niyang nakatali. Sa bawat galaw ng kanyang ng kanyang kamay, gumagalaw din si Garuda. Parang nagigising at ginawa pang unan ang kanyang bisig sa pagtagilid.
Lalong nanghina ang kamay ni Marcaida. Namitig dahil sa bigat ng ulo ni Garuda. Ngunit pinilit pa rin niyang igalaw kahit lalong himihigpit ang yakap sa kanya ng kilabot.
Lumabo ang pag-asa ni Marcaida nang magdaan ang mga oras. Hindi niya nahawakan ang balaraw hanggang sa magising si Garuda.
“Gabi na pala.!“ pumupungas na sabi ni Garuda. Luminga bago tumawa. Lalong tumingkad ang kapangitan. Namaga ang kanyang nguso, ngunit kahit humal ang tinig, nakuha pa ring magtanong. “Sino sa ating dalawa ang higit na mautak.?“ saka siya humalakhak sa paraang tila umaalulong na aso.
Hindi sumagot ang tinanong. Nag-aalala siyang baka makita ni Garuda ang dinaganan niyang patalim.
Mababakas sa palatak ng dila at pag-iling ni Garuda ang labis na panghihinayang. Kung hindi lang oras na upang sumalubong sa pantalan, muli niyang idaraos ang hilig at panunuligsa kay Marcaida. “Maghintay ka at babalik din ako.!“ nakatawa pang paalam. Matapos magbihis at ayusin ang sarili. Hindi na nakita at naalala sa dilim ng gabi ang kanyang patalim pagkat ang nasa isip niya ay ang pagkapa sa katawan ni Marcaida. Humahagikgik na parang kambing at kapagkuwa’y tila nagsawa. Dali-daling lumabas at lumisan.
Nagbalik sa kuta si Garuda. Parang binugbog na aso sa paghingal. Namamaga ang nguso, ngunit hindi halata dahil sa kapal ng bigote at sa dilim ng gabi. Pinulong ang sarili niyang tauhan at isinama sa pantalan. Sila ang sasalubong sa barkong punung-puno ng mga sdandatang higit ang lakas sa naunang dumating.
Naiwan sa kuta ang pangkat ni Sultan Kalagara. Sila ang bantay kung may darating na kaguluhan. “Nasa atin na ang pagkakataon.“ nakangiwi pang sabi kay Datu Budjik. Nasa labas sila ng kuta at inihahatid ng tanaw ang papalayong pangkat ni Garuda na pawang nakasakay sa may sampung kareta.
Ang pag-uusap ng dalawang bihasa sa paghawak ng kampilan ay tungkol kay Marcaida. Kasama sila sa ginawang bitag. Alam nilang nakagapos sa kubo ang ang kinasasabikan nilang mestisang espanyola.
“Dalian mo lang, baka maunahan ka ni Garuda sa pagbalik.“ nakangiwi ring paalala ni Datu Budjik nang magpaalam si Sultan Kalagara upang makaganti rin kay Marcaida.
Sa tulong ng bahagyang liwanag ng buwan sa balumbon ng ulap. Tinalunton ni Sultan Kalagara ang landas na patungo sa kubo. Malikot at nanlalaki ang sulipat niyang mga mata sa paglinga. Tinitiyak na hindi makakarating kay Garuda ang gagawin niyang pananalisi. Nag-aalala rin siyang makabangga ng kanyang kampilan ang mga punglo ni Garuda.
Sa labas pa lang ng kubo ay naghubad na si Sultan Kalagara. Ayaw niyang makilala siya agad ni Marcaida, saka na lang kapag tapos na siya sa masamang hangarin.
Marahang itinulak ni Sultan Kalagara ang nakaawang na pinto. Tumama sa kanyang panlasa ang nabungarang kadiliman. Nangapa siya kung saan naroroon si Marcaida. Hindi niya napigilan ang marahang hagikgik at magasong kilos sa pagpasok.
Ang katahimikan sa loob ng kubo ay nabulabog. Sumambulat ang isang nangangalit na damdamin at walang habas na pananalasa.
Kumalabog ang dibdib ni Sultan Kalagara. Malakas ang bayo na nagmumula kung saan. Sunud-sunod ang walang taros na pagsipa sa kanyang mukha. Nakakayanig at sumasagadsad hanggang sa sulok ng dilim.
Si Marcaida ang dahilan. Nakawala rin sa pagkakagapos at naibunton ang galit kay Sultan Kalagara na bagamat madilim, nakilala niya ang nakahubad na lalake.
Muling naranasan ni Sultan Kalagara ang lupit ng karate. Kailangan niyang tumakbo at takasan ang nanggagalaiting karatista. Para siyang pusang sinilaban ang ilalim ng buntot at rumagasang pabalik sa pinanggalingan na walang damit.
Naglundagan sa pagtawa ang pangkat ni Datu Budjik, nang makita ang pahilahod na pagtakbo ni Sultan kalagara na walang damit, at patungo kung saan ay maaari siyang magbihis.
Hindi na humabol si Marcaida pagkat kay Garuda siya galit. Pinagbuti na lang ang tali ng kanyang bata de banyo at ilang sandali ring nagmuni. Wala na siyang puwang sa loob ng kuta. Lansag na ang kanilang organisasyon sa ibang bansa pagkat bagsak na ang kapangyarihan ni Don Q. Sa ganoong pagkakataon, kailangan niya ang huling talino upang makatiyak sa tamang kapasiyahan. Magtutungo siya sa siyudad. Ang magsuplong upang kahit paano, makatulong siya sa bansa ng kanyang ina. Lumabas siya sa kubo na magulo ang isip, ngunit tiniyak namang ligtas siya sa daraanan.
Kahit nanghihina, nilandas ni Marcaida ang kadiliman sa lilim ng mga punong kahoy upang ‘di matanaw ng mga tanod sa bantayan ng kuta. Sa pantalan ang kanyang tungo. Sasalisi siya kay Garuda at mangungubli. Alam niyang naroroon ang sinakyang yate ni Wana at nagkataong may kaunti siyang kaalaman sa paggamit ng nasabing sasakyan.
Malayo rin ang pantalan. Hindi maiwasan ni Marcaida ang mamahinga sa lilim ng isang puno. Ang magdili-dili at magpasalamat sa maagang pagpipinid ng mga tahanan na para bang walang tao.
Ang pananakit ng katawan ni Marcaida ay bahagyang naparam. Akma na siyang titindig nang maulinigan niya ang langingit ng mga karetang galing sa pantalan. Kumubli siya sa likod ng puno at sinilip kung sino ang damarating. Nakita niya ang nangungunang si Garuda. Sakay ng kareta at sinusundan nang marami pang iba.
“Ngayon.” bulong ni Marcaida. ”Segurado nang magiging madreguera ang islang ito. Marami na namang alepores ang punyeta at mga mapamuksang armas.!“ nangangalit pang dugtong. Gusto sana niyang sugurin si Garuda kung hindi naisip ang kabiguan. Kailangan ang katiyakan upang makaganti. Kinilala na lang niyang mabuti ang iba pang nakasakay sa kareta. Nagbabakasakali siyang makakita ng taong malapit sa kanyang pagkatao. Ngunit maramot ang liwanag ng buwan pagkat lumaging nakakubli sa ibabaw ng ulap.
Isang tauhan ang nauunang naglalakad. May hawak na sulo at tinatanglawan ang landas na daraanan ng mga kareta.
Lumagpas ang mga kilabot. Hindi man lang nakita ni Marcaid ang gusto niyang mapagsino. Siksikan sa pagkakaupo ang mga bagong dating. Napapikit na lamang ang kaawaawang babae. Nakaramdams iya nang muling panghihina at pananakit na katawan. Kailangan pa niya ang ilang oras na pamamahinga at pag-idlip.
Samantala, lalong naging malungkot si Leo sa kanyang pag-iisa sa pulo. Ayaw siyang patahimikin ng kapaligirang nagbibigay ng alaala noong nabubuhay pa si Perenya. Parang nasa tabi lang niya ang namayapang katipan. Binubulungan ngunit hindi nya mawatasan kung ano ang ibig sabihin. Naisip niyang baka labag sa kagustuhan ni Perenya ang mailibing sa ganoong paraan lamang. Nakabalot sa banig at nakabaon sa lupa. Mabilisan ang kanyang pagpapasiya. Para bang kulang na ang kanyang pag-iisip. Bukas ng umaga, huhukayin niya ang bangkay ni Perenya upang mailipat sa siyudad. Subalit kailangang makuha muna niya ang lantsang dala ni Abueg na nasa bayan bago mag-umaga. Nagtatalo rin ang kanyang kalooban. Naisip din niyang sa Nayong Dalisdis dalhin ang labi ni Perenya upang makabalik sa tunay niyang mga magulang. Ngunit nalilito siya. Gusto rin niyang makasama sa lungsod ang kahit puntod lang ni Perenya.
Nang gabi ring iyon, gumayak si Leo. Kailangn niyang ligirin ang kabilang pantalan. Mabilis ang kanyang paggaod at hindi pansin ang pagod. Ang nasa isip, makadaong agad sa patutunguhan.
Ilang sandali pa, matapos maitali ni Leo ang bangka sa isang bagay. Luminga siya sa paligid ng pantalan. Tahimik ang kadiliman, ngunit alam niyang naroroon ang panganib. Ang mga bantay na tauhan ni Sultan Kalagara.
Pasukut-sukot na nangubli si Leo. Tinanaw ang ilang sasakyan na nakadaong. Hindi niya nakita ang sa kanya. Maaaring natatakpan lamang o kaya’y nasa kabilang panig ng kadiliman.
Lumipat ng kublihan si Leo. Tiniyak kung may nakakita sa kanya. Datap’wat ang natanaw niya ay ang landas na patungo sa bayan. Napatulala siya. Matagal na nagnilay. Naalala niya ang dalagang nayon. “Lumin“ aniyang tawag. “Paano kitang malilimot.? Lalayo ako at hindi na tayo magkikita.” malungkot pang sudlong habang nakatanaw sa kabundukang kinaroroonan ng dalaga. Kung maaabot lang niya ang tanawing iyon na kasalukuyang umaanag-ag ang gintong liwanag sa likod ng bundok. At kung makikita lang niya si Lumin, masusubhan ang uhaw sa kanayng dibdib. Yayapusin niya ang katotohanan. Tatalikuran din ang nakalipas at haharapin ang para sa ngayon.
Napayuko si Leo. Muli na naman siyang nagkasala sa alaala ni Perenya. Pumikit siya. Nilimi ang kanyang karupukan. Tinimbang ang dahilan at inamin na ang lahat ay bunsod lamang ng kanyang kapighatian.
Biglang napukaw si Leo nang may kumaluskos sa dilim. Naaninag niya ang isang anyubog ng tao na tila umiiwas sa panganib.
“Mga kasama.!“ sigaw na bumulahaw sa katahimikan at nagmula sa kadiliman.
“ Sumunod kayo sa akin.! “ sudlong pang sigaw.
Bahagyang nahantad sa liwanag ang taong sumigaw. Hinudyatan ang mga kasama na nagkalat sa dilim bago pinasok ang isang lumang pintungan.
Bumunot ng baril si Leo at tumalaga sa ano mang magyayari. Natiyak niyang tauhan ni Sultan Kalagara ang mga humahabol pagkat mga kalblo ang bantay sa pantalan.
Nagkaroon ng kalabugan sa loob ng pintungan. Gumugulong na lumabas ang nagpaunang kilabot. Kasunod ang taong hinahabol. Nanalasa at patuloy ang paninipa. Ngunit matibay ang tinamaan ng sipa. Hindi nabitawan ang hawak na de rapidong baril. Tumindig at akmang magpapaputok.
Natigilan ang taong maninipa. Kinapos siya ng hakbang at huli na ang lahat. Hindi na niya kayang abutan ang kalaban.
Maliksing kumilos si Leo. Isang putok lang ang ginawa sa napaharap na kalaban at malayo ang inilandangan.
Mabilis namang dinampot ng taong maninipa ang nabitawang baril ng kilabot at saka pinaulanan ng punglo ang iba pang kalbo na pasugod ang paglapit.
Parang dinaanan ng walis ang mga kalaban. Nangabuwal at hindi man lang naamit ang baril nilang tumilapon sa lupa.
Nakamasid lang si Leo. Nabakas sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Lumakad siya sa bahagyang anag-ag ng liwanag.
“Gracias, Señor Pistolero.!“ ang sabi habang papalapit sa taong nagligtas sa kanya.
“Tama ang kutob ko. Babae ka.” ani Leo nang maulinigan ang nagsalitang kaharap.
“Ikaw si Leo Ladoza.?“ gulat na tanong ng babae.
Tumango lang ang lalake. Hindi nagsalita ngunit nasa mukha ang pagtataka kung bakit siya kilala.
“Ako si Marcaida. Nalimutan mo na ba ako.?“ muli pang tanong ng babae.
Nagliwanag ang mukha ng lalake. Natuwa. Hinawakan sa dalawang kamay ang babae at saka siya nagsalita. “Minsan, naisalaysay sa akin ni Lumin ang tungkol sa iyo. Ang ginawa mong pagtulong sa kanya at sa akin. Ngunit noon ay may sakit akong amnesya. Maraming salamat sa iyo, Marcaida. Habang buhay kitang ‘di malilimot.”
Nakamata lang ang espanyola. Sinipat na mabuti ang mukha ni Leo at humigpit ang pakikipagkamay.
Lingid sa kanila, isang nag-aagaw-buhay na kilabot ang nakabunot pa ng baril at nakapagpaputok bago nalagutan ng hininga.
Napasubsob si Marcaida sa dibdib ni Leo, kasabay ang daing na siya’y nasugatan. Kuminig ang kanyang katawan at hindi na naisatinig ang iba pang gustong sabihin.
Sa kabutihang palad, agad natunton ni Leo ang kanyang lantsa. Isinakay ang pangko niyang si Marcaida at karakang nagpasiya. “Dadalhin kita sa siyudad upang ipagamot.
Marahang umiling si Marcaida. Namilaylay ang isang malungkot na ngiti, bago ngwikang paos ang tinig. “Grabe ang sugat ko. Hindi na tayo aabot.”
Kumunot ang noo ni Leo sa kanyang narinig. Nag-aalala habang binubuhay ang makina ng lantsa. Umalimbukay ang tubig ng dagat.
Tumigil sa pagsasalita ang sugatang babae. Nahihirapan. Dinaan na lang sa hudyat at pahiwatig ang ibang gustong sabihin.
“Kailangang magamot ka, Marcaida.!“ giit ni Leo at iniharap sa patungong siyudad ang lantsa.
Pilit na nagsalita ang babae. Mahina at pagaralgal. “Hi-Hindi ko na kaya. Hindi na ako magtatagal. Iganti mo na lang ako kay Garuda. Inabuso niya ako. Abisuhan mo rin si Wana. Huwag silang aatake sa baluarte. Maraming bagong dating na tauhan si Garuda at may dalang mapamuksang armas. Mauubos ang Anak-Parang.”
“Magpahinga ka muna, Marcaida.” ani Leo pagkat nang buksan niya ang ilaw ng lantsa. Nakita niyang madugo ang sugat ng babae sa likod. ”Dadalhin na lang kita sa kabilang pulo. Doon kita gagamutin.“ dugtong pa niya at saka ipinihit ang lantsa sa gustong patunguhan.
Muling umiling si Marcaida, bago ang mahinang salita at mabagal. “Hindi na ako magtatagal. Gusto kong sa dagat mailibing para kahit katas lang ng katawan ko ay makarating sa aming bayan. Patawad rin sa bayan ng aking Ina. Leo, ikamusta mo na lang ako kay Lumin.“ pakiusap pa niyang kasabay ang mahigpit na paghawak sa kamay ni Leo.
“Marcaida.!“ biglang sambit ng lalake nang lumangayngay ang ulo ng babae. Bahagya niyang niyugyog sa dagli niyang pagkakatulala. Ilang sandali rin niyang pinagdasal ang bangkay at pinagbuti ang pagkakabuhol ng bata de banyo ng babae. Pinagmalasakitan. Buong galang na binuhat upang ihulog sa dagat at tupdin ang isang kahilingan.
Matapos ang ilang sandaling kalumbayan, may natanaw na bangkang pangisda si Leo. Nilapitan niya at inaligiran ng lantsa ang gustong makausap.
“ Leo.! Ako si Torio.!“ salubong ng taong may hawak na ilawan.
“Torio.! Mabuti’t nakita kita,! Iparating mo kay Wana ang babalang huwag silang sasalakay sa kuta.!“ sigaw ni Leo at sinabi ang mga bilin ni Marcaida bago ito namatay.
Saglit ding napatulala si Torio nang malamang patay na si Marcaida. Nag-antanda pa siya, ngunit kailangan sa sandaling iyon ang matibay na damdamin. Nakita ko nga ang barkong dumaan dito.! Umiwas ako, baka iyon ay kalaban. Totoo nga pala.! Ngayon din, tutungo ako sa Nayong Dalisdis.!“ sabi pa ni Torio.
“Salamat.“ nasisiyahang sabi ni Leo pagkat narinig niya ang nayon na kinaroroonan ni Lumin. Gayon man, tuluyan na siyang lumayo patungo sa kabilang pulo.
Mabilis namang gumaod si Torio, pabalik sa pantalan. Parang alam niyang patay na ang mga kilabot na naroroon at nagkalat lamang ang mga sandatang naiwan sa labanan at kailangan niyang makuha.
Doon naman sa kuta ay laging nakabungisngis si Garuda. Hindi niya alintana ang putukang narinig sa gawing pantalan. Ang alam niya, galing sila roon at walang kalaban na magtutungo ron. Hindi na mahalaga pagkat hawak na niya ngayon ang mga sandatang almires. Ang bombang lumlipad at pagbasak sa lupa ay sumasabog.
“Propesor Juarez.” tawag ni Garuda sa pinuno ng mga bagong dating na dayuhan. ”Malaking tulong sa atin ang trench mortar.”
Tumango naman ang mestisong espanyol bago nagwika. “Sabi mo kay Don Q, wala ka nang problema. Bakit lumakas ang mga rebelde.? Baka sa kanila galing ang narinig nating putukan.?“
Natigilan si Garuda. Hindi malaman ang isasagot. “Isang putok lang ng magnum ang narinig ko. Ibig sabihin, patay na ang may hawak pagkat magagaling din ang mga tauhan ni Sultan Kalagara sa paghawak ng masinggan. Tungkol naman sa mga rebelde. Si Kenji ang dahilan. Nagmalabis siya sa tungkulin. Naghasik ng kalupitan hanggang sa matutong maghimagsik ang mga mamamayan. Karamihan sa kanila ay babae lamang at pinamumunuan ni Wana.!“ at tumawa pa siyang nanunuya matapos magpaliwanag.
“Huwag mong tawanan ang kakayahan ng mga babae rito.” sansala ni Juarez. ”Marami rin sa kanila ang naging bayani noong kapanahunan ng mga ninuno ko rito.“
“Iba noon at iba ngayon.” Sagot ni Garuda. “Mauubos sila kapag ako ang sumagupa.!“
Umiling-iling si Juarez. Hindi matanggap ang katuwiran ni Garuda, pagkat ang ina niya ay isa ring silanganin. Niyang dumanak ang dugo.
Umiling din si Garuda. Idinahilan ang pagkawala ni Marcaida. “Kailangan nating pumatay upang taypo ay mabuhay. “ sabi pa niya.
Nagkibit ng balikat si Juarez. Iniba ang paksa. “Ang utos ni Don Q, tulungan kitang lutasin ang problema mo rito, at iyan din ang gagawin kong daan upang bigyan ng katarungan ang sinasabi mong pagkamatay ni Marcaida. Kung ano ang dahilan at kung sino ang pumatay.?“
“Bakit.? Ano mo ba si Marcaida.?“ tanong pa ni Garuda. Bahagyang nag-alinlangan.
“Saka mo na lang mlalaman, kapag lutas na ang kaso. Hindi ako naniniwalang mamamatay si Marcaida sa ganoong paraan lamang. Matalino siya.!“
“Totoo ‘yon, Propesor.” hikayat ni Garuda. “Gayon man, umasa kang kasama mo ako sa ikalulutas ng katotohanan. Madali lang pagkat tuso ako sa bagay na iyan.!“
“Salamat, Garuda. Malalim na ang gabi. Gusto ko nang magpahinga.“ ani Juarez. Tinapik pa sa balikat ang kausap at nakatawang inayawan ang tawagin siyang Professor.
“Ikaw ang bahala, Juarez.” ayon ni Garuda at niyakag ang kausap sa dating silid ni Marcaida.
Pagkaraa’y nagbigay ng kautusan si Garuda sa kanyang mga tauhan. Huwag ibabalita sa mga bagong dating ang tunay na nangyari kay Marcaida, lalo na kay Juarez. Babarilin niya ang sino mang babanggit sa pangalang Marcaida. Inutusan din niya si Datu Budjik upang magsiyasat sa pantalan kung ano ang narinig nilang putukan. Makaraan ay nagdudumali siyang lumisan upang magtungo sa ‘di kalayuang kubo. Balak din niyang patayin na si Marcaida pagkat panganib din ito sa kanyang buhay kapag nakalaya sa pagkakagapos at hindi na rin makausap ni Juarez. Subalit magpapakasawa muna siya sa gabing iyo.
Ang katahimikan at kadiliman ng gabi ay biglang ginambala ng pahagulgol na halakhak ni Garuda. Sinindihan niya ang dalang sulo upang ilawan ang loob ng kubo.
Ang pambungad na kasabikan sa mukha ni Garuda ay dagling naparam. Para siyang tuod na napatulala. Ang inaasahan niyang makikita sa papag ay naging putul-putol na lubid. Wala si Marcaida.
Nanlulumong naupo sa papag si Garuda, ngunit mailap ang mga mata at parang may hinihintay na panganib. Hawak niya ang isang putol na lubid at ang balaraw. Sinisisi ang sarili at saka siya nag-alinlangan. Nagtanong kung talaga bang may utak siya. Bakit naiwan niya ang nasabing patalim.
Matpos ang pagmumuni at panghihinayang, tumindig si Garuda. Lumabas sa kubo na malikot ang mga mata. Para bang may hinahanap siyang panganib. Wala siyang nakita hanggang sa tinalunton niya ang landas na pabalik sa kuta. Bagsak ang magkabilang balikat at dala ang sulo na pananglaw sa dilim.
Dali-daling inakyat ni Garuda ang bantayan na nakatunghay sa kubo ni Marcaida. Agad tinadyakan ang tanod na natutulog at itinayong pasabunot. “Di ba’t ang utos ko.! Lagi mong silipin sa largabista ang kubo.? Bakit nakatakas si Marcaida.?“ mahina ngunit madiin pa niyang tanong,
Hindi nakahuma ang pumupungas na tanod. Sa ibaba ang tingin at inamin ang pagkakasala.
“Simula ngayon.!“ mahina pa ring bulyaw ni Garuda. “Kayong lahat.! Ang mahuli kong nakasara ang mga mata.! Bubuksan ko sa pamamagitan ng bala.! Maliwang.?“ sudlong na banta sa pangambang may kahulugan nga ang narinig nilang putukan sa gawi ng pantalan.
Sa mga sandaling iyon, narating na ni Datu Budjik ang pantalan, kasama ang ilang tauhan. Marahan silang bumaba sa kabayo at pabaling-baling ang nakabural nilang mga mata sa pagsisiyasat.
Kaalinsabay din noon, nakarating na rin at nakadaong sa pantalan ang bangka ni Torio. Agad niyang nakita sa dilim ang bangkay. Siniyasat at doon niya nakita ang nagkalat na baril. Tuwang-tuwa siya at isa-isang dinampot ang mga de makinang baril at pistola upang dalhin kay Wana. Subalit sa kanyang pag-unat, naliligid na siya ng mga lukayong kalbo. Nandidilat sa kanya ang mga mata.
“Ikaw ang pumatay sa mga kapatid naming kalbo.!“ sigaw ni Datu budjik. Umiigting ang laman sa pagwawasiwas ng kampilan at hayag ang paghuhuramentado.
Mabilis namang binitawan ni Torio ang hawak niyang mga baril. Isa ang itinira at kinapa sa daliri kung paano papuputukin.
Ngunit mabilis ang kampilan ng pangkat ni Datu Budjik. Bawat ikot ng katawan, natadtad ng taga ang kaawaawang kalaban.
Patay na ay patuloy pa ring tinataga ang nakalugmok na mangingisda. Kasama niyang naglaho ang bilin ni Marcaida at Leo. Di na niya masasabi kay Wana ang dapat iwasan. Marami ang mapapahamak.
Samantala, nang marating ni Leo ang kabilang pulo, lalong naging magulo ang kanyang isip. Lagi niyang pinagmamasdan ang puntod ni Perenya. May bahagyang liwanag dahil sa ilawang tinghoy na ang apoy ay patuloy ang liwanag at pagsipsip ng pampaliyab mula sa langis ng niyog.
Di kawasa’y tumindig si Leo nang mangawit sa pagkakaupo. Pumasok siya sa kubo at pabagsak na nahiga sa naroroong papag. Nagmunimuni habang nakatutok ang paningin sa dingding ng salas. Doon nakasabit ang larawan ni Perenya. Napausal siyang sapupo ang magkabilang palapipisan. “Paano ba ito.? Hindi ko maarok kung ano ang gusto mong ipahiwatig sa akin. Liwanagin mo kung dadalhin kita sa siyudad o dito na lang tayo magwawakas.“
Matagal din sa ganoong anyo si Leo, hanggang sa siya’y makatulog, ngunit dagli ring nagulantang nang makita niya si Perenya. Nakaupo sa kanyang tabi, nakatagilid at umiiyak.
“Leo, hindi ako matahimik sa kabilang buhay. Nahihirapan ako sa ginagawa mo. Magkaiba na ang ating daigdig. Hindi itinulot ng tadhana ang sundan mo ako. Sundin mo ang itinitibok ng iyong puso. Huwag mong paluhain ang kakambal ko, pagkat parang ako rin siya. Damdamin niya at damdamin ko ay iisa lamang. Paligayahin mo siya at matatahimik na ako sa kabilang buhay. Paalam. Matulog kang mahimbing. Matulog ka.” anang tinig na animo’y galing sa loob ng tapayan.
Si Leo nama’y parang nasa alapaap. Hindi makapagsalita sa kabiglaanan. Naglapat ang kanyang mga labi. Pumanatag sa pagkakahiga at sa tingin, tila nawala na ang kanyang suliranin.
Sa muling pagsikat ng araw, makikita ang pigil na pangangantiyaw ni Garuda kay Sultan kalagara. “kagabi, hindi ka makaharap sa akin. Siguro, ginapang mo si Marcaida, kaya lalo kang nagmukhang kalabaw, ano.?“
Ang ‘di pagsagot ay tanda ng pag-amin. Bumural lang ang mata ni Sultan Kalagara. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bintana ng tore at katabi si Datu Budjik. Nagtatagomg mahantad ang kanyang mukha at naghihinagpis din sa kamatayan ng lima niyang tauhan sa pantalan.
“Bakit hindi mo hinintay na magsawa muna ako kay Marcaida bago ka sumalisi.?“ tanong pa ni Garuda, kasunod ang biglang pagtawa at ganoon din sa pagtigil.
“Gusto kong mairaos agad ang aking paghihiganti, dahil katulong din ako sa pagbalangkas ng ating bitag kay marcaida.!“ singhal ni Sultan Kalagara.
“Huwag mong pakalakasan ang pangalan ni Marcaida.! Baka marinig ni Juarez at problema pa natin kung nasaan siya.?“ mahinang saway ni Garuda at nilinga ang ibaba ng bantayan. Nakita niya si Juarez, kasama ang marami niyang tauhan na purong kastila. Bumaba sila.
“Bakit putol ang toreng iyon.?“ tanong ni Juarez kay Garuda nang ito ay makatuntong sa lupa.
“Minasinggan ni Leo Ladoza. Wala nang panahon upang gawin.” sagot ni Garuda, kasama ang tatlo niyang kasangga
“Sino’ng Leo Ladoza.? Siya ba ang naging nomero unong pistolero ng asya at siya rin ang mahigpit mong kalaban.?“ mahabang tanong ni Juarez.
“Siya nga dahil hindi niya gusto ang palakad ni Kenji.”
Tumangu–tango si Juarez at sandaling nagmuni bago bumaling. “Comusta, Sultan Kalagara. Bakit nagkaganyan ang pigura mo.?“
Hindi makasagot ang tinanong. Tinakpan ng palad ang kanyang mukha at umanyong nahihiya.
Si Garuda ang nagpaliwanag. “Nagtalo kami. Mas guapo raw siya sa akin. Hindi ako pumayag dahil mukha siyang kalabaw. Bigla niya akong sinuntok sa nguso, kasabay ang ganting mukha raw akong kabayo. Pinagsusuntok ko siya.
Nanalim ang mga mata ni Juarez. Hindi matanto kung ano ang nasa isip. Hindi na pinansin ang namamagang nguso ni Garuda dahil sa kapal ng bigote. Nagpaalam na lang siya at nagsabing… “Bibigyan ko ng instruccion ang aking mga alepores pagkat sila’y tulad din ninyong patapon sa Indonesia at wanted naman sa Spain.“
Nang araw ding iyon, nagpakalat naman ng balita si Wana sa lahat ng kasaping Anak-Parang. Mayroon silang pulong sa kuta ng Nayong Dalisdis.
SI Alfon ang nanguna sa balangkasing lingid sa mga dayuhan. Kasama ang ilang tagasubaybay na matatandang babae. Naghiwa-hiwalay sila at nagtungo sa dapat nilang puntahan
Dumating ang pinakahihintay na sandali ng mga Anak-Parang. Ang kasabikan nilang paghihiganti ay malapit nang maisakatuparan. Nagpulong sila upang pag-aralan ang magandang paraan kung paano lulusubin ang kuta sa bayan. Ang udyok ng damdamin ay nagsilbing titis ng apoy upang lalong dumami at makipagtulungan ang mga mamamayan sa gagawing paglusob at sa ikatatagumpay ng layunin. Makikita sa Nayong Dalisdis ang paghugos ng maraming tao. Iisa ang kanilang patutunguhan. Ang dalawang burol na tinaguriang dibdib ng dalaga, ayon sa pagkakalimbutod at nagkahugis sa katawan ng tao.
“Natutuwa ako sa inyong pagdating.!“ sigaw ni Wana. Nakatuntong sa mataas na bahagi ng burol at nililinga ang patuloy na pagdating ng mga gustong maghimagsik .
“Mamayang hatinggabi.! Lulusubin na natin ang kuta.!“ sigaw naman ni Alfon sa bawat pulutong na kanyang malapitan.
Nagsigawan din ang mga nilalang na naroroon. Gustong patunayan ang lakas ng kanilang loob sa pakikibaka. Lalaban sila hanggang sa mamatay at karangalan ang masabing nagtigis sila ng buhay dahil sa karapatan ng bayan.
Lumuluha naman ang karamihan sa mga babae. Umaagos at pumapatak sa kanilang dibdib, ngunit iyon ay luha ng kaligayahan pagkat ang inaasam nilang paghihiganti ay malapit ng maisakatuparan.
Nagpatuloy si Wana sa pananalita. Kung paano babalangkasin ang simula ng digmaan. Ang pamamahagi ng mga sandatang pumuputok, ayon sa kaalaman ng gagamit.
Naghiyawan sa galak ang mga manghihimagsik. Umaasa sa kanilang tagumpay, ngunit ang hindi nila alam at wala sa kanilang hinagap ang tinatawag na kabiguan. Hindi nairating ni Torio ang babala ni Leo kay Wana.
Ang nalalabi pang oras nang araw na iyon ay ginugol ng mga Anak-Parang sa pagsasanay. Gabi na nang sila’y tumigil upang ipahinga ang pata nilang katawan.
Ngunit iba si Garuda. Malalim na ang gabi kung magpahinga. Laging nasa inuman ng tuba at pagkatapos, saka naman aakyat sa mga bantayan ng kuta upang tiyakin kung gising ang doo’y nakatalaga.
Una pa roon. Laganap pa ang bahagyang liwanag ng araw nang mula sa labas ng bayan, humugos ang malaking pangkat ng Anak-Parang sa isang kubling bulaos upang makalapit sila sa likuran ng kuta.
Sa kalsada ay makikitang magkaagapay sa pangangabayo sina Alfon at Wana. Nasa unahan nila ang dalawang matandang babae na silang taga masid kung ligtas ang kanilang daraanan. Sa gawing likuran, kasunod nila ang ilang kareta. Doon nakasakay ang mga mabibigat na de makinang baril at ang matatandang babae. Ang iba namang kabataan ay naglalakad lamang at mapapansin ang hawak nilang gulok at sibat na buho, patunay lang na kulang sila sa sandatang pumuputok. Ngayon ang balak nilang pangwakas na pakikidigma. Kailangan nilang mailigtas ang mga bihag sa kuta at madurog ang makapangyarihang kanlungan ni Garuda.
Pagpasok nila sa bungad ng bayan ay laganap na ang dilim ng hatinggabi. Tahimik ang paligid. Walang tumatahol na aso pagkat itinali na sa loob ng bahay mula nang makatuwaang barilin ng mga kilabot kapag tumatahol.
Sumalubong kay Wana ang isang humihingal na matandang babae. Si Aling Sinang na ina ni Bidang. Isa siya sa naatasang magmanman sa bayan.
“Wala akong nakitang bandido sa lansangan. Tahimik ang kuta at madilim ang mga bantayan.!“ lahad ng matanda.
“Magaling.!“ sabi ni Wana at hinugot ang isang buntong hininga. Umasa siyang tulog ang mga kalaban. “Si Torio, hindi ba ninyo nakita.?“ tanong pa ng pinuno.
Umiling ang matanda bago nagsalita. Malungkot. “Ayon sa kanyang mga kapit-bahay. Ilang araw na nilang ‘di nakikita si Torio at kahapon lang natagpuan ang kanyang bangkay. Lumulutang sa dagat at tadtad ng taga ang katawan.!“
“Diyos ko.!“ nabiglang bigkas ni Wana. “Bakit nangyari ang ganoon.? Hindi ko man lang nabalitaan ang kaawa-awa niyang kapalaran.!“ sudlong pang sabi ni Wana. Nagngingitngit ang kalooban. Di kawasa’y nagbago ang kanyang kilos at muling pinaalala sa mga kasama ang binabalangkas nilang pagsalakay. Nakakuyom ang kamao sa galit.
“Hindi lang ‘yan, Wana.“ habol pa ni Aling Sinang. “May isa pang bangkay ng babae ang natagpuang lumulutang sa dagat. Ayon sa mga magdaragat, si Marcaida ang taong iyon. May tama ng bala sa likod.!“ dugtong pa ng matanda.
Bahagyang natigilan si Wana sa kanyang narinig. Abot din sa kanyang pandinig ang pangalan ni Marcaida. Ang pagiging makatao at matulungin. Nagpasadiyos na lang siya at tila naibsan ang suliranin niyang pakikidigma sa panig ni Marcaida. Nagpatuloy na lang sila sa marahan at maingat na paglakad.
Ilang aso rin ang ‘di napigilang tumahol at umalulong. Ang iba nama’y tumataking lamang sa pag-asang nasa labas ang sino mang kasambahay. Naamoy nila ang pagdaraan ng mga Anak-Parang. Nakasilip sila sa siwang na sawaling dingding at ang iba nama’y kinukutkot ang pinto ng bahay upang makalabas.
Maagap namang sinaway ng mga nasa bahay ang kani-kanilang aso. Alam nila ang magaganap na digmaan. Sila ang naiwang bantay sa bahay at ang kanilang mag-anak ay kagabi pa nagsilikas sa malayo.
Kumalat sa paglakad ang mga Anak-Parang. Ang iba’y sa looban nagdaan. Pasan ng mga kalalakihan ang ilang mabibigat na de makinang baril. Lumigid sila sa gawing tagiliran ng kuta upang doon ihanay ang mga sandata.
Ang mga taga bayan ay tumulong din. Sumigabo ang udyok ng pagmamahal sa lupang hinirang. Inilabas nila ang dalawang nakatagong de makinang baril na ginamit nang tambangan si Leo sa bukana ng bayan. Ang iba nama’y pinasan ang kani-kanilang hagdang kawayan na gamit sa pag-akyat ng niyog. Handa silang mamatay, maakyat lang ang bakod ng kuta.
Sa gawing harapan nagtuloy si Wana, kasunod ang malaking bahagi ng hukbo. Nagmamadali at ginawang panghudyat ang hawak niyang thompson. Maalab pagkat gusto rin nilang iganti ang pagkamatay ni Torio.
Hindi lumayo si Alfon kay Wana. Pasan niya ang isang malaking de makinang baril. Handang iharap ang kanyang buhay, maisalikod lang ang babaing pinakamamahal.
Maliksi ang kilos ng mga Anak-Parang sa pag-asang sila lang ang gising sa oras na iyon. Nagsidapa sila sa lupa. Tiningala ang paltok na kinaroroonan ng kuta at hinintay ang nakatakdang hudyat.
Lingid sa ibaba. Sa itaas ng kuta ay hindi nga natulog ang mga tanod sa bantayan. Natakot sila sa banta ni Garuda. Nakita nila ang paglapit ng mga Anak-Parang.
Humahagok pa sa pagtulog si Garuda nang gisingin ng isang tanod. Napabalikwas siya nang malaman ang sanhi. Agad dinampot ang isang maliit na de makinang baril at nakangisi pang lumabas. Nasasabik pagkat iyon ang hinihintay niyang mangyayari.
“Narito na ang problema, Garuda.!“ salubong ni Juarez, bagong gising at napukaw lamang sa kaguluhan.
Biglang tumawa si Garuda at bigla ring tumigil upang magsalita. “Sa araw na ito.! Matatapos ang kanilang katapangan.!“