Synopsis
Sa pag-uwi ni Leo Ladoza mula sa isang paligsahan sa pagbaril sa Indonesia, dala niya ang karangalan ng tagumpay at ang bigat ng isang malagim na pangyayari. Sa piling ng kasintahang si Perenya, hinahangad niyang makatagpo ng kapanatagan sa Isla Busuangga—isang liblib na pamayanang may payak na pamumuhay at makalumang kaugalian.
Ngunit winasak ng pagdating ng mga dayuhang kontrabandista ang katahimikan ng isla. Sa gitna ng karahasan at pagkawala, nasangkot si Leo sa pakikibaka laban sa malupit na si Garuda, na may sarili ring dahilan upang siya ay pagbayarin.
Sa kanyang pagbangon, nakilala niya si Lumin, isang dalagang may mukha ng pag-ibig na kanyang nawala. Habang unti-unting nabubunyag ang lihim ng isang pamilyang pinaghiwalay ng kapalaran, kailangang harapin ni Leo ang mga kaaway ng isla at ang sariling pusong nakatali sa nakaraan.
Ang Isla Busuanga ay isang nobela ng pag-ibig, paghihiganti, at katapangan—at ng paghahanap ng pag-asang muling magmahal sa kabila ng dalamhati.